Daniel mahal ng nanay ni Kathryn

Yes na yes ang sagot ni Kathryn Bernardo sa tanong tungkol sa sagot ni Daniel Padilla nabago mag-30 ay dapat kasal na sila.

The post Daniel mahal ng nanay ni Kathryn first appeared on Abante.

daniel mahal ng nanay ni kathryn - Daniel mahal ng nanay ni Kathryn
abante kathniel - Daniel mahal ng nanay ni Kathryn

dondon sermino 11 - Daniel mahal ng nanay ni KathrynYes na yes ang sagot ni Kathryn Bernardo sa tanong tungkol sa sagot ni Daniel Padilla nabago mag-30 ay dapat kasal na sila.

“Yun naman po talaga ang plano,” sabi ni Kathryn sa virtual presscon ng The House Arrest of Us.

“May ilang taon pa kami. So, for now, mag-iipon muna kami para sa future namin,” sey pa niya.

Pero giit nga ni Daniel, hindi pa siya nagpu-propose kay Kathryn. At paghahandaan daw talaga niya `yon.

Pero, gagawin lang daw niya `yon kapag ramdam niyang handa na talaga si Kathryn. Basta sa ngayon, sure na sila na sa kasal mauuwi ang lahat, at paghahandaan nila `yon.

Anyway, nakakatuwang malaman na mahal na mahal pala ng nanay ni Kathryn si Daniel. Na kapag may sakit daw si Daniel ay ang nanay pa ni Kathryn ang mismong nagdadala, pumipilit na magpaospital.

“Parang anak na ang turing niya sa akin,” sey pa ni Daniel.

Kris miss ni Bistek: Ruffa ‘hinaharot’ ni Herbert

Kung seseryosohin mo ang mga ‘chika’ ni former Quezon City Mayor Herbert Bautista, tila bet talaga niyang ligawan si Ruffa Gutierrez, ha! Sa virtual presscon nga ng The House Arrest of Us ay tila ‘nililigawan’ na nga niya ang ‘misis’ niya sa digital film nila.

Sina Ruffa at Herbert nga ay mag-asawa sa The House Arrest of Us, at sila ang mga magulang nin Kathryn.

Anyway, napuno ng tuksuhan ang virtual presscon dahil ayaw tantanan ni Bistek si Ruffa. Nabuo nga ang RuStek (RUffa at biSTEK) noong gabing `yon na nagpakilig sa KathNiel.

May hirit pa si Bistek na gusto niyang pumunta ng Japan at si Ruffa ang gusto niyang makasama.

“Kung nasaan si Ruffa, doon ako,” patawa-tawa pang sabi ni Herbert.

“Hindi ako naniniwala. Nagsisinungaling ka lang, eh,” hirit naman ni Ruffa na ayaw padala sa mga joke ni Bistek.

Pero, sa kainitan ng presscon, biglang nasabi ni Herbert ang mga linyang… “Parang may kaboses ka?”

“Sino? Si Kris Aquino? Hahahaha! Kaya pala kanina ka pa titig nang titig sa akin, kasi naka-yellow ako! Hahaha!” say naman ni Ruffa.

At lalo ngang napuno ng tawanan ang chikahan dahil mukhang na-miss ni Bistek si Kris, ha!

Well…

The post Daniel mahal ng nanay ni Kathryn first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *