Daniel, Kathryn pinaplano na ang kasal

Isa sa mga hurado ng katatapos lang na Bb. Pilipinas 2019 beauty pageant ay ang Teen King na si Daniel Padilla. 

The post Daniel, Kathryn pinaplano na ang kasal appeared first on Abante News Online.

daniel kathryn pinaplano na ang kasal - Daniel, Kathryn pinaplano na ang kasal
kathniel 6 - Daniel, Kathryn pinaplano na ang kasal

Isa sa mga hurado ng katatapos lang na Bb. Pilipinas 2019 beauty pageant ay ang Teen King na si Daniel Padilla.

At bongga dahil nabigyan nga ako ng pagkakataon na ma-interview siya, ha!

Siyempre, tinanong ko agad siya sa sweet anniversary message na ipinost ng kanyang nobya na si Kathryn Bernardo.

“Siyempre I was very touched, I was surprised na the whole time pala na magkasama kami, gumagawa siya ng isang mensahe para sa anniversary namin,” sagot ni D­aniel.

Dagdag pa ng aktor na natunaw nga raw nang sobra ang kanyang puso sa ginawang mensahe ni Kathryn.

Bukod pa riyan ay inusisa ko na rin siya sa plano nilang kasal ni Kathryn.

“Planning lang, pero not soon. Soon-soon!” agad namang sagot ng aktor.

So ano pa nga ba? Mukhang team abangers na lang muna talaga ang mga fan kung kailan magpo-propose si Daniel kay Kathryn.

Pero ang bongga na nga na at least ngayon pa lang ay nasa planning stage na ang kasal sa kanila, ha! Siguro ay napag-uusapan na nila, pero wala pa talagang definite na date at lugar. (Athena Yap)

The post Daniel, Kathryn pinaplano na ang kasal appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *