Daniel ‘Di nalulunod sa kasikatan

“Nasa Iyo Na Ang Lahat” ang unang kantang nag-hit ng tinaguriang “Teen King” noon na ngayo’y minus the “teen” na nga ba ang title at mako-consider na bilang “King” at 23-year-old na si Daniel Padilla.

The post Daniel ‘Di nalulunod sa kasikatan appeared first on Abante News Online.

daniel di nalulunod sa kasikatan - Daniel ‘Di nalulunod sa kasikatan
Abante 2019 Daniel Padilla - Daniel ‘Di nalulunod sa kasikatan

‘Tao lang ako, hindi artista sa bahay’

Ni ROSE GARCIA

“Nasa Iyo Na Ang Lahat” ang unang kantang nag-hit ng tinaguriang “Teen King” noon na ngayo’y minus the “teen” na nga ba ang title at mako-consider na bilang “King” at 23-year-old na si Daniel Padilla.

Sino ang mag-aakala na ang kantang ito na in-interpret ni Daniel sa 2013 Himig Handog P-Pop Love Song ay magiging napaka-popular na awitin mula 2013 hanggang ngayon?

At sino rin ang mag-aakala na in less than ten years in showbiz, sa tagumpay na meron si Daniel mula sa mga naging top-rating teleserye niya, box-office movies kabilang na ang pinaka-recent movie nila ni Kathryn Bernardo, ang “The Hows of Us” na may hawak ng pinaka-highest grossing film of all time at kumita ng mahigit 900 million pesos, sold-out concerts in Araneta Coliseum and undeniably, the most popular among the third generation of Padilla clan — “nasa kanya na nga ang lahat.”

Lahat ng ito ay sa kabila ng naging pahayag noon ni Daniel na hindi raw niya na-imagine na magiging artista siya.

Sa mga nakaraang interview namin kay Daniel, madalas namin siyang tanungin kung paano niya naha-handle ang success at popularity na meron siya, kung hindi ba siya nao-overwhelm.

Isa sa hindi namin makakalimutang sagot niya tungkol dito, “hindi ka dapat ma-overwhelm, importante kilala mo ang sarili mo at masaya ka.”

Halos gayundin ang naging pahayag ni Daniel sa huling interview niya sa TWBA nang tanungin siya tungkol sa pagiging sikat niya. At kung paano siya nakakabitiw sa pagiging artista niya.

“Every time umuuwi ako, tapos na ‘yun, tapos na ang pagiging artista. Kasama ko pa rin naman ang mga kaibigan ko na non-showbiz, hindi ako tumatakbo sa mundong ito lang.”

Sabi pa niya, “I think, it’s how on papaano mo rin nakikita ‘yung sarili mo. Na after ng lahat ng ito, tao ka pa rin,” sabi ni Daniel.

Palaban sa cyber-bullying: ‘Itigil ang bashing!’

Pumipitik-pitik din si Daniel sa mga hater and basher. Lalo na kung sa palagay nito, lagpas na sa boundary ang ilang basher at lalo na kung may ibang mga celebrity na rin na idinadamay.

Kung bibisitahin ang kanyang Instagram account, ang huling post ni Daniel ay may caption na “hypocrites”.

Kahit sa mga over-protective fan nilang dalawa ni Kathryn, mao-obvious agad si Daniel kapag talagang hindi na ito masaya sa nagiging behavior ng mga tagahanga nila.

Sabi nga niya sa isang interview, “Grabehan din ang pagprotekta nila sa amin. ‘Yung presence nila, halos kasabay rin namin sa puyatan.
“Kung may kailangan sigurong itigil, sa lahat naman, ‘yung bashing.”
Isa sa mga advocacy rin ni Daniel is to stop cyber-bullying.

Unang kotse ni Daniel bigay ni Robin

Given na kung paano ipagmalaki ng mga magulang na sina Rommel Padilla at Karla Estrada ang anak na si Daniel. Wala ring makapagkukuwestiyon na si Daniel ang nagpabago ng buhay nilang mag-iina.

Pero katulad ng mga magulang, ang tiyuhin ni Daniel na si Robin Padilla ay gayundin kung ipagmalaki ang pamangkin. Kung may wish man ito sa pamangkin, ang gusto raw niya ay mag-enjoy lang ito.

Kamakailan lang din nang mismong si Karla ang nag-reveal na ang unang sasakyan ng anak ay galing kay Binoe.

Ayon kay Karla, “Si Robin ang unang nagbigay ng sasakyan kay Daniel. Starex na binili ko…

“Walang check si Robin binigay, sulat-kamay lang. ‘Tapos winithdraw ko ‘yung P600,000 para ibili na ‘yung sasakyan ni Daniel kasi sabi ko kay Robin, ‘Tol, magsisimula na pamangkin mo showbiz.’”

Wanted: Bagong leading lady

Buong buwan ng February ay naging bakasyon ni Daniel. Off muna nga raw siya sa showbiz nang may mag-attempt na mag-interview rito.

Kasama na rin ang pagtulong ni Daniel sa kampanya ng ama sa Nueva Ecija, pahinga at travel.

Sa ngayon, wala pang kumpirmadong mga project na sisimulang gawin ni Daniel. Pero siguradong tulad ni Kathryn Bernardo na may movie with Alden Richards, ano­ther movie rin with Da­niel na iba naman ang leading lady nito ang aabangan.

KathNiel solid pa rin!

Tahimik na ngang muli at napayapa ang “puso” ng mga KathNiel fan sa pag-aakalang may problema at posibilidad na pagkakasira ng relasyon ng kanilang idolo.

Bukod sa nagpauna na nga si Daniel sa paglilinaw na “ayos” daw silang dalawa ng girlfriend at sinundan ng tanong ang mga media na nagtatanong dito ng, “mukha ba kaming hiwalay?” sa kabila nang naging isyu ng pag-follow-unfollow nila noon sa Instagram account, naging isang malaking ebidensiya ang nakaraang birthday ni Kathryn kung gaano pa rin sila ka-solid sa isa’t isa.

Naghatid ng kilig ang naging birthday message ni Daniel para kay Kathryn sa “ASAP.” Kasama rin si Daniel sa naging birthday celebration ni Kathryn kasama ang pamilya sa Palawan at ang intimate beach party nito sa Batangas kasama naman ang mga piling kaibigan.

The post Daniel ‘Di nalulunod sa kasikatan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *