Daniel, Coco type ‘dyowain’ ni Christian Bables

Bumalik na sa hot seat ng “TWBA” ang best supporting actor awardee na si Christian Bables, at tinanong ito kung bakit naisipang sumabak ulit sa gay role kahit sinabi nito noon na hindi “muna” ito tatanggap ng ganu’n.

daniel coco type dyowain ni christian bables - Daniel, Coco type ‘dyowain’ ni Christian Bables
daniel 6 - Daniel, Coco type ‘dyowain’ ni Christian Bables

Bumalik na sa hot seat ng “TWBA” ang best supporting actor awardee na si Christian Bables, at tinanong ito kung bakit naisipang sumabak ulit sa gay role kahit sinabi nito noon na hindi “muna” ito tatanggap ng ganu’n.

Nilinaw ng aktor na sinabi niya ang salitang “muna” na malayo sa salitang “na” kaya naniniwala siyang ito na nga ang right time para tanggapin ulit ang gay role.

Gagampanan niya ang karakter ni Sam Panti na bunso sa magkakapatid na Panti Sisters. Ang “Panti Sisters” ay kabilang sa mga entry para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na showing simula September 13-19 ngayong taon.

Nagpatikim na rin si Bables sa “TWBA” kung paano ba nito ginampanan ang karakter bilang Sam. Chinallenge siya ni Tito Boy na sumagot sa mga tanong in Sam version, at hindi naman siya umatras sa challenge na iyon.

May challenge rin na pakikitaan siya ng mga litrato ng iba’t ibang Kapamilya actor at pipili siya kung jojowain ba niya o totropahin ito.

Sa hanay ng tropa ay nilagay niya sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario, Hero Angeles at Gerald Anderson.

Habang jowa naman ang trip niya kina Daniel Padilla, Coco Martin at Jericho Rosales.

Anyway, kapansin-pansin ang matagal na pagsagot ni Bables bilang Sam nang i-flash sa screen ang litrato ni Gerald na tila hindi siya kumportable.

Siguro ay dahil nagkaroon siya ng heart-to-heart talk sa ex ni Anderson na si Bea Alonzo na makakasama niya sa isang teleserye. Kuwento ni Christian, marami siyang natutunan sa pakikipag-usap kay Bea.

Sa pag-ibig ay mayroon umanong payo sa kanya ang aktres: “Magtira ka ng pagmamahal para sa sarili mo.” (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *