Daniel bad trip sa kalasingan ni Kathryn

May rebelasyon si Kathryn Bernardo sa kanyang YouTube vlog.

The post Daniel bad trip sa kalasingan ni Kathryn first appeared on Abante.

daniel bad trip sa kalasingan ni kathryn - Daniel bad trip sa kalasingan ni Kathryn
kath 3 - Daniel bad trip sa kalasingan ni Kathryn

May rebelasyon si Kathryn Bernardo sa kanyang YouTube vlog. Ito’y nang minsang nalasing siya kasama ang kaibigang si Arisse de Santos.Nagkaroon kasi sila ng wine night.

Kaaliw yung kuwento niya na tumalon sila sa swimming pool na naka-pajama kaya nagalit diumano si Daniel.Sumobra kasi ang pag-inom nila ng alak.

Nasa kuwarto raw that time si DJ nang tumalon sila ni Arisse. Hindi na rin niya alam kung bakit nila nagawa ‘yun.

Ang natatandaan na lang niya tumatakbo si Daniel , galit na galit at kinuha sila sa pool.

Okay lang daw sa aktor na uminom si Kathryn pero ‘wag magpaka-todo lasing.

Sey pa ni Kath na gusto lang niya mag-relax at mag-enjoy minsan dahil subsob sila sa trabaho.

Minsan kailangan din daw na mag-unwind para balanse ang buhay. Hindi ‘yung puro trabaho ang focus.

Talbog!

Digong aaliwin nina Jimmy,Mocha, Arnell

Dahil mukhang ngarag na si Pangulong Rodrigo Duterte gusto siyang haranahin ng mga OPM singers at loyalista.

Ito ang anunsyo ni Jimmy Bondoc sa isang Facebook post ng NDM Studios.

Ang naturang online concert ay pinamagatang “Singing for the President,” na gaganapin sa Aug. 30, 2 PM.

Gusto nilang aliwin si Digong na mukhang pagod na umano sa pakikipaglaban ng gobyerno sa COVID-19..

Napapabalitang magpe-perform sina Freddie Aguila,Imelda Papin, Mocha Uson, Arnell Ignacio, Dulce, Chad Borja, Moymoy Palaboy,Njel de Mesa, Paolo Santos, Thor Dulay at marami pang iba.

Boom!

The post Daniel bad trip sa kalasingan ni Kathryn first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *