Dani aminadong ‘bratinela’ kay Mr. Barretto

Ang unang apo ng namayapang ama ng mga Barretto na si Miguel Barretto sa kanyang anak na si Marjorie Barretto ang isa sa mga unang nag-post sa kanyang Instagram account ng mga pictures at message.

dani aminadong bratinela kay mr barretto - Dani aminadong ‘bratinela’ kay Mr. Barretto
dani - Dani aminadong ‘bratinela’ kay Mr. Barretto

Rose Garcia Annyeong 6 336x224 - Dani aminadong ‘bratinela’ kay Mr. BarrettoAng unang apo ng namayapang ama ng mga Barretto na si Miguel Barretto sa kanyang anak na si Marjorie Barretto ang isa sa mga unang nag-post sa kanyang Instagram account ng mga pictures at message.

Ipinost ni Dani Barretto sa IG niya ang mga picture na kasama nito ang Lolo niya at ang tribute message nito.

Sa caption ni Dani, sinabi niya na ang Lolo raw niya ay siguradong may naging relationship sa kanilang mga apo nito mula sa oldest to the youngest. Hindi rin daw niya makakalimutan ang Subic trip nila noong apat na taon pa lang siya.

Sabi ni Dani, “I can’t even express how heartbroken I am right now.

“Pikey, all I can say is Thank you and I love you.

“Thank you for loving us the way that you did.

“You were such an amazing grandfather to all of us.

“You made it a point that you had a relationship with all your apos.

“From the eldest to the youngest apo, we will always have the best stories of you.

“I will never forget that Subic trip we had when I was 4. And you made sure everyone didn’t forget it too. It was one of your favorite stories to tell to your friends, family and even strangers.

“It breaks my heart that I will never get the chance to do that with you again. Nevertheless, you gave us the best memories to remember you by. You will always be in my heart, my Pikey. No more pain. Go dance your heart out up there and eat all the vanilla ice cream and chocolate chip pancakes in the world! I love you so much, My Pikey!

“I’ll always be your Bratinela.”

Masuwerte si Dani dahil na-witness ng Lolo niya ang mga milestones sa buhay niya. Tulad ng pagpapakasal niya kunsaan, naisayaw pa siya nito at ang makarga ng Lolo nila ang kanyang bagong silang na anak.

Sa isang banda, hindi naman nawawala ang kuryosidad ng karamihan kung ang nakagalit na anak na si Gretchen Barretto ay magpapakita raw kaya sa burol ngayong wala na ang ama at kung magiging daan din ang malungkot na pangyayaring ito sa pamilya nila para magkabati-bati na sila.

Sheryl bigay-todo sa lampungan kay Jeric

Proud daw ang anak ni Sheryl Cruz na Ashley Nicole Bustos sa pagiging “hot momma” niya. In fact, ang anak pa raw ang nagsabi sa kanya na mag-sexy photo shoot siya na “fashion” daw ‘yun.

“Ang anak ko ang unang nagiging proud. Sabi nga niya sa akin, ‘Mama, you have the body, you have to flaunt it.’ Sabi niya sa akin, it’s fashion. That’s the first time she told me noong naka-jacket ako na brown.

“Sabi niya, other celebrities do it, not just here but abroad. ‘Yung iba nga, over-over pa sa ginagawa. But because of your name, they’ll gonna say something.”

Naalala ni Sheryl na noong Seiko, nagta-tanga naman daw sila. Pero feeling niya raw, late bloomer siya.

“Minsan nga, nahihirapan na ko kasi kapag ‘yung suot ko, kahit sabihin mong kasya sa akin, kapag hahapit, ang sakit, ang sikip.”

Natatawang napa-thank you na lang ito nang sabihan na “blessed” talaga siya sa boobs. At napa-“wow” nang sabihan na kaliga na siya nila Alice Dixson at pinsan na si Sunshine Cruz.

“Wow naman, basta ang sa akin lang, I never expected it. Ang sa akin lang, nabigyan ako ng opportunity na makipagsabayan pa rin sa mga millennial.”

At sa “Magkaagaw, may pagka-“cougar” ang role niya at may love scene pa sila ni Jeric Gonzales. At mukhang bigay todo rin naman siya.

“Oo naman, kailangan, e,” sabi niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *