‘Dami kong nararanasan sa kanya’ Andrea ‘lumawak’ dahil kay Derek

Dumalo si Andrea Torress sa premiere night ng pelikulang “Cara X Jagger” minus her boyfriend, Derek Ramsay.

dami kong nararanasan sa kanya andrea lumawak dahil kay derek - ‘Dami kong nararanasan sa kanya’ Andrea ‘lumawak’ dahil kay Derek
andrea torres 2 - ‘Dami kong nararanasan sa kanya’ Andrea ‘lumawak’ dahil kay Derek

Jun Nardo I Know Better 33 336x224 - ‘Dami kong nararanasan sa kanya’ Andrea ‘lumawak’ dahil kay DerekDumalo si Andrea Torress sa premiere night ng pelikulang “Cara X Jagger” minus her boyfriend, Derek Ramsay.

Siyempre, blooming ang beauty ni Andrea matapos ang bakasyon sa ibang bansa kasama ang boyfie, huh! Ilang taon na rin kasi bago nagdesisyong patibukin muli ang puso, huh!

Ayon kay Andrea, nang maging boyfriend si Derek, lumawak siya. “Marami akong activities na nagagawa ngayon. Nakakatuwa marami akong nai-experience ngayon,” pahayag ni Andrea nang makausap ng press.

Maaga pa raw para magpakasal sila.

“Basta pinag-uusapan namin.

“Siyempre ‘yun naman ang goal lagi, ‘di ba? Pero, hindi muna,” rason niya.

Happy and relax daw ang relasyon nila ni Derek.

“Walang problema sa amin. Walang away,” saad niya.

Hindi naman daw siya natatakot kahit natagalan bago siya nagkaroon ng karelasyon.

“Kaya siguro naging vocal ako. Smooth sailing naman,” katwiran ni Andrea.

Masaya raw ang pamilya niya ngayon at natutuwa siya sa nababasang komento na ipinagdarasal pa na magtagal sila. Grabe siya kung ipagtanggol ni Derek sa bashers, huh!

“Nakakatuwa nga po. Nakakatuwa siya talaga,” sey ni Andrea.

Ipinagdasal niya raw ang ganoong relasyon tulad ng kay Derek. Nakikita rin daw niya ang sarili kay Derek kaya nagkakaintindihan sila.

“Pareho kaming homebody, close sa mommy and dad. Pareho kami ng humor at ‘pag kasama ko siya, hindi ko napi-feel na artista kami. Normal relationship talaga,” diin niya.

Dahil sports buff si Derek, nag-iisip na si Andrea na maglaro ng badminton at golf. At supportive raw ang boyfie kahit magpaseksi pa siya.

Pero, ilang buwan na ang relasyon nila? “Secrettttt!” bulalas ni Andrea.

Ruru elyang-elya kay Jasmine

Sumabay si Ruru Madrid sa galing sa pag-arte ni Jasmine Curtis Smith sa movie nilang “Cara X Jagger”. Ang ganda ng movie, maayos ang pagkakadirek ni Ice Idanan at tagos sa puso ang mga dayalog nila.

May hatid ding kilig ang mga lambingan moment nila at magagaling din ang supporting cast ng pelikula.

Kapansin-pansin lang na parang may sexual tension talaga sa pagitan nina Ruru at Jasmine. Parang elyang-elya si Ruru everytime na nakikita niya si Jasmine. Ganu’n ang dating ng mga karakter nila, ha!

Surprise guest sa ilang eksena ang sister ni Jasmine na si Anne Curtis pero hindi siya kumanta sa movie, huh!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *