Daig ng malandi ang maganda — Vice

Nag-sorry na ang fan na nag-akusa kay Vice Ganda na mas pinapaboran niya si Ion Perez, na dyowa niya, kesa kay Jackie aka Ate Gurl. Sa bagong segment kasi ng “It’s Showtime” na Mr. Q&A ay si Ion na ang may dala ng bowl na naglalaman ng mga tanong, na hindi nga tulad noon na si Ate Gurl ang may dala ng bowl sa segment noon na Miss Q&A.

daig ng malandi ang maganda vice - Daig ng malandi ang maganda — Vice
tonite vice - Daig ng malandi ang maganda — Vice

Nag-sorry na ang fan na nag-akusa kay Vice Ganda na mas pinapaboran niya si Ion Perez, na dyowa niya, kesa kay Jackie aka Ate Gurl. Sa bagong segment kasi ng “It’s Showtime” na Mr. Q&A ay si Ion na ang may dala ng bowl na naglalaman ng mga tanong, na hindi nga tulad noon na si Ate Gurl ang may dala ng bowl sa segment noon na Miss Q&A.

Akusasyon ng fan, kasi nga raw ay dyowa, kaya mas pinapaboran si Ion.

“Yan ang hirap sa inyo! Binigyan na nga ng exposure ung idolo nyo di pa kayo makuntento! Aba baka sa sususnod iutos nyo ng sya ang ga­wing main host! Abusado!!!” sagot na tweet ni Vice sa naturang fan.

Anyway, nag-sorry na nga ang fan, at okey na ang lahat. Kaya si Vice, balik na sa kabaliwan sa Twitter.

Sa #AskVice ay may nagtanong sa kanya kung ano ang mas pipiliin niya, utak o ganda?

“Landi! Dahil daig ng malandi ang maganda at mautak!” sagot ni Vice.
Wala lang, kaaliw lang!

(Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *