Dahil sa trapik: James Reid naglakad papunta sa event

Nahagip sa dash cam ng isang fan ang pagdaan ng heartthrob actor na si James Reid sa isang kalsada kung saan traffic, pero hindi sa EDSA.

dahil sa trapik james reid naglakad papunta sa event - Dahil sa trapik: James Reid naglakad papunta sa event
james 11 - Dahil sa trapik: James Reid naglakad papunta sa event

Nahagip sa dash cam ng isang fan ang pagdaan ng heartthrob actor na si James Reid sa isang kalsada kung saan traffic, pero hindi sa EDSA.

Ayon sa mga comment ng ilang mga fan, palagay nila ay bandang Katipunan ang lugar kung saan spotted ang aktor na naglalakad sa kalsada na may kasamang isa pang lalaki.

Patungo umano ng Pop Up ang aktor, ayon sa netizen na nag-upload ng video at siyang nakahagip sa dash cam kay James.

Maraming fan ang nag-react dito, sinasabing walang problema sa traffic kung ang dadaan sa harap nila ay si James.

Kuwento naman ng nag-upload, sobrang natulala siya nang makitang naglalakad sa harap nila si James at buti na lang ay may kuha sila mula sa dash cam ng kanilang sasakyan.

“J-walking yan, buti hindi hinuli! Hahahaha!” biro naman ng isang netizen. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *