Dahil kay Park Seo Joon: Maja inakusahang pota, makapal ang mukha

“Kapal naman ng mukha mong pota ka!” reaksiyon ng netizen (leejieun23) sa komento ni Maja Salvador sa Instagram post ni Park Seo Joon na, ‘Sorry kung pinaghintay na naman kita.’

The post Dahil kay Park Seo Joon: Maja inakusahang pota, makapal ang mukha first appeared on Abante.

dahil kay park seo joon maja inakusahang pota makapal ang mukha - Dahil kay Park Seo Joon: Maja inakusahang pota, makapal ang mukha
Maja Salvador 1 - Dahil kay Park Seo Joon: Maja inakusahang pota, makapal ang mukha

dondon sermino 7 - Dahil kay Park Seo Joon: Maja inakusahang pota, makapal ang mukha“Kapal naman ng mukha mong pota ka!” reaksiyon ng netizen (leejieun23) sa komento ni Maja Salvador sa Instagram post ni Park Seo Joon na, ‘Sorry kung pinaghintay na naman kita.’

Well, obyus naman na nagpa-fangirling lang si Maja noong mga oras na `yon. Pero, sobrang OA naman ang reaksiyon ng mga fan, na para bang naubusan na ng paggalang at bait sa katawan.

Aba, dahil lang sa joke na `yon, tatawagin mong ‘pota’ ang isang sikat na aktres, na nagpapaka-fan. Sa halip na maaliw ka, o i-welcome siya sa grupo niyo, kailangan pa talagang tumalak, laitin, saktan sa pamamagitan ng salita, ang isang tao, lalo na ang isang babae.

Anyway, dedma naman si Maja, dahil sa mga susunod na post niya, idinaan na lang niya sa tawa ang lahat.

“Hi Pogi! Matatagalan pa bago mo ako makita. Ang haba kasi ng pila. Wait mo ako ha!” unang hirit niya.

“Ayan ha, sinabi ko nang nakapila ako!” sabi pa rin ni Maja.

So, sino ang talo ngayon? Si Maja ba na masaya, at pangiti-ngiti pa rin, o ang naturang fan na posibleng nagsikip ang dibdib dahil sa galit sa puso?

***

Alden aminadong nalugi sa negosyo

Tama ang hula ng lahat: Si Asia’s Multimedia Star Alden Richards ang host ng documentary na “Lockdown: Food Diaries”. Matagal ding na-curious ang mga viewer, netizen kung sino ba ang host ng nasabing palabas.

Swak naman daw kay Alden ang dokyu na ito, dahil bukod sa pagiging artista, negosyante nga si Alden. At kagaya ng ibang negosyo, naapektuhan din nang husto ng pandemic ang kanyang food business.

Tatalakayin sa nasabing dokyu kung papaano binago ng pandemya ang food industry at kung paano nga ba nag-adjust ang iba’t ibang sector upang harapin ang epekto ng COVID-19.

Sa September 27 na eere ang Lockdown: Food Diaries, 3:45 pm sa GMA Network.

***

Bigo kay Elisse: Jameson ‘boylet’ ang bagong kalambingan

‘Coming soon!’ ang say ni Jameson Blake sa chika na gumagawa sila ng BL (boys love) movie ni Joao Constancia.

“Got something for Y’all,” ang hirit naman ni Joao.

Siyempre, marami ang kinilig dahil for the first time ay makikita nila ang mga idolo nilang sina Jameson at Joao na maglalambingan sa harap ng kamera.

Wala ngang kamalay-malay ang mga fan na may ginagawa palang pelikula ang dalawa. Pero, tulad ng iba na nakaranas mag-shooting sa panahon ng pandemya, kanya-kanyang ganap ang dalawa.

Ang sabi nga, karamihan daw sa shooting, eksena ay sa kanya-kanyang bahay lang kinunan. Kung meron man sa labas ay konting-konti lang.

Anyway, usong-uso nga ang temang BL ngayo, ha! Sigaw nga, mabuhay ang sangkabaklaan dahil namamayagpag ngayon sa social media, telebisyon, ang mga ganitong tema.

Iba na ang weather ngayon. Kung noon ay puro magagandang babae ang nali-link kay Joao, ngayon ay si Jameson na ang kalambingan niya, ha! At kung noon ay kay Elisse Joson natsitsismis si Jameson, ngayon ay sa kapwa boylet na siya naipapareha, ha! Kaloka!

Ang tanong, pumayag kaya sina Joao at Jameson na magtukaan din, tulad ng ibang bumida na sa mga BL serye? Abangan!

The post Dahil kay Park Seo Joon: Maja inakusahang pota, makapal ang mukha first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *