Dahil kay Dahlia: Anne humagulgol sa Instagram

Nagkaroon ng Instagram Live interview si Anne Curtis sa unang pagkakataon sa writer ng ABS-CBN na si G3 San Diego.

The post Dahil kay Dahlia: Anne humagulgol sa Instagram first appeared on Abante.

dahil kay dahlia anne humagulgol sa instagram - Dahil kay Dahlia: Anne humagulgol sa Instagram
Anne - Dahil kay Dahlia: Anne humagulgol sa Instagram

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Dahil kay Dahlia: Anne humagulgol sa InstagramNagkaroon ng Instagram Live interview si Anne Curtis sa unang pagkakataon sa writer ng ABS-CBN na si G3 San Diego.

Naging emotional ito sa pagkukuwento tungkol sa pagiging ganap na ina niya ng anak na si Dahlia.

Sey ni Anne, “It’s the best thing that ever happened to me. Alam mo ‘yung, I can’t imagine my life living without Dahlia.

“I think, it’s the most beautiful thing that ever happened to me. I can’t imagine my life without Dahlia. Like, she’s my world.”

Nasa Melbourne, Australia pa rin hanggang ngayon si Anne kasama ang Mister na si Erwan Heussaff at mommy niya. Plano naman daw nilang talaga na pagkapanganak, balik Pilipinas na.

Pero dahil sa pandemic, talagang na-extend ang stay nila sa Australia.

“Given this current situation, na-extend talaga ang stay namin dito. Siyempre, if it’s just me, no problem. Kaya kong lumipad anytime, ‘di ba? Pero now, I have a little life to think of it, she’s the top priority. Her safety and her health.”

Ang totoo, sa buong Australia, ang lugar na kinaroroonan ni Anne, ang Victoria ang tila bukod-tanging naka-lock down pa rin. Pero may positibo pa rin na nakikita si Anne sa pangyayaring ito.

Aniya, “Ang silver lining, Dahlia get both of her parents, 24/7. And pareho kami. I think, that’s the beauty of what’s happening now and we really get to spend so much time with her. All of our hours are dedicated with Dahlia.”

At sa huli, the way raw na nakikita niya si Erwan bilang isang Daddy, mas lalo pa raw itong napapamahal sa kanya.

“You know, it really came naturally to him, being a father. And you know, seeing him how he is with Dahlia has made me love him even more.

“It sounds so cheesy, but wala, e, it’s really how it is. I just feel so thankful to have Erwan really helping me and my mom also helping me through this.”

At sa loob daw ng 23 years na halos everyday siyang nagtatrabaho, parang ngayon lang daw talaga siya napapahinga at binigyan pa siya ng magandang regalo ni Lord, her family.

***

Best actor sa Korea: Dingdong inalay award sa mga frontliner

Ang gandang timing talaga ng katatapos na Seoul International Drama Awards para sa primetime series ng GMA Networks na “Descendants of the Sun.”

Next month na ang muling pag-ere ng DOTS hanggang sa finale episode nito na nai-taped na ng cast last week, in a lock in scenario sa Tanay, Rizal.

Bukod sa pre-announced award na natanggap na ng DOTS bilang Most Popular Foreign Drama of the Year, nanalo pa ang bida nito na si Dingdong Dantes ng Asian Star Prize Winner.

Kung nagkataong walang COVID-19, siguradong personal nitong tatanggapin ang award sa South Korea.

Sa recorded speech ni Dingdong, una niyang ni-recognized ang mga frontliner sa buong mundo.

Aniya, “This award is also a tribute to all frontliners of the world-soldiers, healthcare workers and volunteers. This award is also for my loved ones and the Filipino people.

“May we find consolation knowing that our stories are being appreciated, especially during these trying times.”

Noong September 10 pa ang awards night sa MBC Media Center Public Hall na kunsaan, walang allowed na audience dahil na rin sa pagsunod nila sa safety protocols. Pero ipinalabas naman ang awards night sa MBC You Tube channel noong September 15.

The post Dahil kay Dahlia: Anne humagulgol sa Instagram first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *