Cristine nag-inarte, media tinakasan

Selyado na ang pagiging international star ni Cristine Reyes nang ipalabas na opening film ang movie na “Untrue” opposite Xian Lim, sa QCinema International Film Festival sa Gateway.

cristine nag inarte media tinakasan - Cristine nag-inarte, media tinakasan
cristine 3 - Cristine nag-inarte, media tinakasan

Selyado na ang pagiging international star ni Cristine Reyes nang ipalabas na opening film ang movie na “Untrue” opposite Xian Lim, sa QCinema International Film Festival sa Gateway.

Tanging si Cristine lang ang dumating kasama ang kanyang kapatid na si Ara Mina. Wala ang leading man na si Xian.

Ipinasilip na ng Viva Entertainment ang pelikula sa madla dahil ayon sa direktor na si Siegrid Bernardo, wala pang playdate ang kanilang movie for commercial run.

Kaya nga masuwerte ang mga dumalo sa opening dahil advance na nilang napanood ang pelikulang nabanggit na temang suspense-thriller.

Muling ipinamalas ni Cristine ang husay niya bilang aktres at si Xian naman sa kauna-unahang serious-drama role niya sa pelikula.

Halatang wala sa plano ni Cristine ang makapanayam ng press o media bago magsimula o matapos ang pelikula dahil dumiretso na siya nang alis. Nagpaalam na gagamit lang ng restroom si Cristine, pero hindi na ito bumalik.

Pinakawalan ni Cristine ang pagkakataong marinig nang personal ang positive feedback ng media sa kanyang performance. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *