COVID-19 balewala kina Orbon, Tsukii

BALEWALA ang novel coronavirus o ­COVID-19 kina Fil-Am Joan Orbon, ­foreign coach Okay Arpa at Fil-Jap ­Junna Tsukii, dumayo pa rin sa United Arab Emirates Miyerkoles upang sumabak sa World Karate Federation (WKF) Premier League sa Dubai sa Pebrero 14-16.

covid 19 balewala kina orbon tsukii - COVID-19 balewala kina Orbon, Tsukii
orbon x tsukii - COVID-19 balewala kina Orbon, Tsukii

BALEWALA ang novel coronavirus o ­COVID-19 kina Fil-Am Joan Orbon, ­foreign coach Okay Arpa at Fil-Jap ­Junna Tsukii, dumayo pa rin sa United Arab Emirates Miyerkoles upang sumabak sa World Karate Federation (WKF) Premier League sa Dubai sa Pebrero 14-16.

Mula sa Manila sina Orbon at Arpa habang buhat sa Kazakhstan training camp si Tsukii sa paghahabol ng dalawang karateka na mag-qualify sa Tokyo Olympic Games sa Hulyo.

Importante kay Orbon ang torneo na nagsisilbing exposure matapos maging inactive sa nakalipas na siyam na buwan bilang paghahanda sa huling Olympic qualifying event sa Mayo sa Paris, France.

Mataas naman ang tsansa ni Tsukii na makamit ang inaasam na puntos sa Dubai Premier League dahil hindi makakasali ang karibal na Chinese karateka na world No. 3 sa women’s -50kg dahil sa ipinapatupad na mga travel ban sa mga Chinese national na pinagmulan ng ­COVID-19.

Napag-iiwanan si Tsukii sa puntos ng Chinese nang mahigit 1,000 para sa No. 2 spot na siyang makakapagbigay ng ­silya sa Continental quota para sa Tokyo Games bago ang mag-deadline para sa ­direct qualification sa Abril 6.

Hindi rin makakasali ang ilang world ranked karatekas na umatras sa torneo dahil sa pangamba dahil sa paglaganap ng nakamamatay na virus.

Ang kawalan ng mga top ranked karateka sa Dubai Premier League ang bubuhay sa kampanya ni Tsukii dahil mas tataas ang tsansa ng Fil-Jap karateka na makamedalya upang mapababa nito ang habol na puntos kontra Chinese. (Lito Oredo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *