Coverage ng ABS-CBN sa eleksyon wagi sa rating

Matindi ang naging harapan ng mga kandidato sa nangyaring botohan noong Lunes (May 13), pero nakipagbakbakan din ang mga media network sa paghahatid ng balita tungkol sa halalan sa ating mga kababayan.

The post Coverage ng ABS-CBN sa eleksyon wagi sa rating appeared first on Abante News Online.

coverage ng abs cbn sa eleksyon wagi sa rating - Coverage ng ABS-CBN sa eleksyon wagi sa rating
abs cbn election 2019 - Coverage ng ABS-CBN sa eleksyon wagi sa rating

Matindi ang naging harapan ng mga kandidato sa nangyaring botohan noong Lunes (May 13), pero nakipagbakbakan din ang mga media network sa paghahatid ng balita tungkol sa halalan sa ating mga kababayan.

Well, mala-“Avengers” ang Kapamilya network dahil buong puwersa talaga ng ABS-CBN News ang isinalang nila. May kanya-kanya pang coverage sa ABS-CBN, ANC, at DZMM, kaya makapipili ka kung saan mo gusto manood. Available din ang bawat coverage sa online nila at sa Facebook kaya walang rason para hindi maging updated kahit nakapila sa presinto!

Kaya naman panalo buong araw sa ratings ang coverage ng ABS-CBN. Sa umaga, 5.7% ang nakuha ng “Halalan 2019: The ABS-CBN Special Coverage,” higit sa 5.4% ng “Eleksyon 2019” ng GMA-7. Sa hapon, nakakuha rin ito ng 12.7% kontra 9.8% ng “Eleksyon 2019.” Panalo rin ang “TV Patrol” na may 29.2% kumpara sa 19.9% ng “24 Oras.” Wagi rin ang “Bandila” na nakakuha ng 6% laban sa 5.1% ng “Saksi.”

Trending din ang mga pa-hashtag ng ABS-CBN News tulad ng #Halalan2019, #HalalanResults, at #HalalanAberya. Kahit netizens, nakatutok sa ABS-CBN!

In fairness naman talaga sa ABS-CBN. Tumodo talaga sila ngayong halalan! Sabi nga ng mga netizen, hindi kailangan ng magarbong set at kung ano-anong gimik para maayos na makapag-lingkod sa bayan. ‘Yun lang!

The post Coverage ng ABS-CBN sa eleksyon wagi sa rating appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *