Concert ni Daniel super tagumpay

Feel na feel ng mga fan ni Daniel Padilla na parang nasa Araneta Coliseum sila dahil sa ganda ng set-up at quality ng concert ng worldwide digital concert ni DJ na “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” kagabi (Oktubre 12).

The post Concert ni Daniel super tagumpay first appeared on Abante.

concert ni daniel super tagumpay - Concert ni Daniel super tagumpay
Daniel Padilla 3 - Concert ni Daniel super tagumpay

Feel na feel ng mga fan ni Daniel Padilla na parang nasa Araneta Coliseum sila dahil sa ganda ng set-up at quality ng concert ng worldwide digital concert ni DJ na “Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” kagabi (Oktubre 12).

Labis na tuwa ang naramdaman ng mga netizen na nakapanood nito at umaapaw pa rin hanggang ngayon ang kanilang mga post na tila hindi maka-get over sa concert. Komento ng iba, namangha sila na nakagawa ng ganitong klaseng digital concert ang ABS-CBN sa gitna ng pandemya.

Dahil dito, nagtrending worldwide ang hashtag na #OvertheMoonwithDJP at #ApolloDanielPadilla.

Sey ni Twitter user @kathnieleeerrr, “Sobrang solid po! At ang ganda ng quality! Ang linaw! Ang ganda ng setlist! The best ka talaga boy @imdanielpadilla! Enjoy na enjoy ako! Sana po may replay, thank you po sa napakagandang concert!”

Komento naman ni @itsmetherese_KN, “One word, SOLID!!!! Mula sa stage set up, lighting, list of songs and performers! Galing ni @imdanielpadilla! Congrats #APOLLODanielPadilla Team! Black heart you did a great job! Worth it ang 499pesos.”

“Pero guys appreciate natin yung quality nung buong concert. Hindi ganito yung in-expect natin aminin nyo. Face with tears of joy pero ang ganda at ang galing. Super nakaka-proud lang talaga. Again congrats sa buong Team Apollo,” saad ni @Dos_525.

Hiling nila na sana ay may replay ang concert o hindi kaya ay i-upload ito sa YouTube account para mabalik-balikan nila ito. (Dondon Sermino)

The post Concert ni Daniel super tagumpay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *