Commercial ni Julia nakuha ni Liza?

Fresh as in parang bagong luto na pinag-uusapan ngayon ang surprising endorsement ni Liza Soberano sa isang sikat na fast food chain.

commercial ni julia nakuha ni liza - Commercial ni Julia nakuha ni Liza?
juliaxliza - Commercial ni Julia nakuha ni Liza?

Fresh as in parang bagong luto na pinag-uusapan ngayon ang surprising endorsement ni Liza Soberano sa isang sikat na fast food chain.

Kasing init din ng kanilang ‘chicken joy’ ang pagtanggap ng naturang fast food chain sa aktres na may pa-hula effect pa bago pa man opisyal na ilabas ang commercial nitong Martes lamang.

Pero umuugong din ang usapan na pinalitan nga ba ni Liza si Julia Barretto bilang endorser ng naturang brand?

Noon kasi ay ang tambalang JoshLia ang makikitang magkasama na nag-i-endorse ng brand na iyon, pero simula nga nang maging kontrobersyal ang break-up ng dalawa, si Joshua Garcia na lang ang nakita kamakailan sa huling inilabas na commercial nito bago ilabas ang ads ni Liza.

Habang nag-aabang nga ang mga fan sa hiwalay na commercial ni Julia, nasorpresa ang mga netizen na si Liza na ang bagong nagnanamnam sa nakakatakam na pagkain ng naturang fast food chain.

Ayon sa mga fan, masaya sila para kay Liza.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *