Coco, Yassi pinarangalan sa Paragala Awards

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa Paragala Central Luzon Media Awards pagkatapos itong kilalanin bilang Best TV Station sa ika-anim na sunod na beses noong March 16 sa awards night na ginanap sa Holy Angel University theater sa Angeles City, Pampanga.

The post Coco, Yassi pinarangalan sa Paragala Awards appeared first on Abante News Online.

coco yassi pinarangalan sa paragala awards - Coco, Yassi pinarangalan sa Paragala Awards
yassi 2 - Coco, Yassi pinarangalan sa Paragala Awards

Patuloy ang pamamayagpag ng ABS-CBN sa Paragala Central Luzon Media Awards pagkatapos itong kilalanin bilang Best TV Station sa ika-anim na sunod na beses noong March 16 sa awards night na ginanap sa Holy Angel University theater sa Angeles City, Pampanga.

Nakakuha ng 14 na parangal ang Kapamilya network kasama na ang Best Male News Anchor para kay “TV Patrol” at “Failon Ngayon” anchor Ted Failon, Best Female Field Reporter para naman sa ABS-CBN News senior correspondent na si ­Doris Bigor­nia, at Best Female Morning Show Host kay “Umagang Kay Ganda” anchor Amy Perez.

Ginawaran ang long-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ng Best Teleserye kasabay ng pagkilala nito sa Hall of Fame. Kaakibat nito, nanalo si Coco Martin ng Best TV Actor at pumasok na din sa Hall of Fame, kasama ang programang pinagbibidahan niya bilang si Cardo Dalisay. Kinilala rin ang kanyang leading lady na si Yassi Pressman bilang Best TV Actress. Inuwi naman ng “It’s Showtime” ang tropeo ng Best Noontime Show habang Best Musical Variety Show naman ang tinanggap ng “ASAP Natin ‘To.”

Ito na ang ikalimang Best TV Station award na ­napanalunan ng ABS-CBN para sa taong ito. ­

The post Coco, Yassi pinarangalan sa Paragala Awards appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *