Coco pumalag sa isyu ng ‘Panganganak’ ni Julia

Pumalag, at hindi talaga pumayag si Coco Martin na akusahan siya ng kung ano-ano ng ibang tao. Kamakailan nga ay kumalat ang tsismis na kesyo nanganak na raw si Julia Montes, at si Coco Martin nga raw ang ama.

The post Coco pumalag sa isyu ng ‘Panganganak’ ni Julia appeared first on Abante News Online.

coco pumalag sa isyu ng panganganak ni julia - Coco pumalag sa isyu ng ‘Panganganak’ ni Julia
coco 2 - Coco pumalag sa isyu ng ‘Panganganak’ ni Julia

‘Hindi kabaklaan, kaduwagan’

Pumalag, at hindi talaga pumayag si Coco Martin na akusahan siya ng kung ano-ano ng ibang tao. Kamakailan nga ay kumalat ang tsismis na kesyo nanganak na raw si Julia Montes, at si Coco Martin nga raw ang ama.

Sa isang ospital nga raw dito sa Metro Manila nanganak ang batang aktres.

May kung ano-anong side story pa ang sabi-sabing panganganak na ‘yon, pero hanggang ngayon ay wala namang malinaw na detalye, o katibayan tungkol doon.

Anyway, may mga nagsabi na walang “balls” si Coco, at “bakla” ito dahil hindi magawang aminin ang tungkol sa kanila ni Julia. Ni ayaw raw nitong magbigay ng linaw kung ano ba talaga ang sitwasyon nila ni Julia, o kung may anak na raw ba talaga sila.

At ‘yun na nga, ang dati ay nananahimik na si Coco, biglang-bigla ay naglabas ng statement niya sa kanyang Instagram account. Na kahit sabihin pang hindi niya tinukoy kung para kanino ang mensahe niyang ‘yon, at kung tungkol ba ‘yon sa “panganganak” ba talaga ni Julia, ang mga netizen na rin ang nag-connect doon.

Heto nga ang pahayag ni Coco:

“Sabi ng Lola ko nung bata pa ako mag sumikap ka sa buhay para matupad mo lahat ng mga pa­ngarap mo at makatulong ka sa pamilya mo at pagkatapos tumulong ka sa iyong kapwa. Mahirap lang ang buhay namin simple pero mapa­yapa. Hindi kami nang-aapi at nang-aagrabyado ng tao at lalo hindi po kami nakikielam ng buhay ng ibang tao.

“Sabi sakin ng Lola ko, ang mga tao mahilig pag-usapan ang buhay ng ibang tao ay ang mga taong walang magawa sa buhay nila, kaya kaysa ayusin nila ang buhay nila at alagaan ang kanilang mga anak ang kanilang mga magulang magsumikap sa kanilang trabaho at mag-aral ng mabuti mas inilalaan nila ang oras at panahon nila para pag-usapan ang buhay ng ibang tao para manira!
“Ang hindi ko pagkibo at hindi pagpatol sa mga bagay na hindi kauunlad ng ating bayan ay hindi kabaklaan at kaduwagan may kanya-kanya ta­yong buhay at tayo ang may dedesisyon kung pano natin patatakbuhin ito at sa aking palagay wala akong nagawang masama sayo kung sino ka man, hindi ko kailangan ang mga masasakit na opinion mo!

“Nagtatrabaho lang ako at may meron din akong pribadong buhay wag naman sana ang buhay ko ang pagkuwentuhan niyo dahil hindi interesado ang buhay ko. Mas maganda siguro humanap tayo ng ibang kapaki-pakinabang na pag-uusapan para sa ating lipunan para may maiambag naman tayo sa ating bayan!
“Salamat sa pagbigay mo ng panahon para pag-usapan ang buhay ko.

Ang trabaho ko ay umarte at bigyan ng buhay ang mga character na ginagampanan ko. Tahimik po ako na nagtatrabaho at namumuhay kaya mas makakabuti siguro ang buhay mo na lang ang ikuwento mo sigurado ako mas intersante ang buhay mo!

“Sana lang bago ka mawala sa mundo alam mo sasarili mo na may naibahagi kang kabutihan sa iyong kapwa hindi puro paninira! Pasensya ka na ang desisyon ko ay panatiliin tahimik ang buhay ko at sana naiintindihan mo!!! God bless…”

Anyway, naka-off na ang comment section sa Instagram ni Coco, kaya hindi na namin nabasa pa ang ibang mensahe ng mga fan. Pero bago niya ‘yon nabura, marami kaming nabasa na suporta sa ginawa niyang ito. (Dondon Sermino)

The post Coco pumalag sa isyu ng ‘Panganganak’ ni Julia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *