Coco Martin pinahirapan si Michael de Mesa

Madugo at mahirap ang naging deskripsyon ni Michael de Mesa sa unang pagkakataong nagdirek siya ng acting project at ‘yun ay sa “FPJ’s Ang Probinsyano” pa na pinagbibidahan ni Coco Martin.

The post Coco Martin pinahirapan si Michael de Mesa appeared first on Abante News Online.

coco martin pinahirapan si michael de mesa - Coco Martin pinahirapan si Michael de Mesa
coco 4 - Coco Martin pinahirapan si Michael de Mesa

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Coco Martin pinahirapan si Michael de MesaMadugo at mahirap ang naging deskripsyon ni Michael de Mesa sa unang pagkakataong nagdirek siya ng acting project at ‘yun ay sa “FPJ’s Ang Probinsyano” pa na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa kanyang Instagram post ng mga larawan na nagbibigay siya ng instructions sa set, sinabi nito sa caption na mahirap ang mga action na gagawin sa kanilang eksena.

Bukod doon, death scenes ito ng kaibigan niyang sina Sen. Lito Lapid at Mark Lapid.

Malaki ang pressures na naibigay kay Michael ng directorial job sa kanya.

Hindi pa malinaw kung itutuloy pa ni Michael ang pagdidirek sa ibang project.

Christian palaban sa best actor sa Italy

Limang pelikula ang gagawin ni Christian Bables nga­yong 2019. Yes, sobrang in demand nga ng aktor ngayon, ha!

At isa nga sa gagawin niya ay ang official entry para sa Pista ng Pelikulang Pilipino na “The Panti Sisters” na ididirehe ni Perci Intalan at pagbibidahan din nina Paolo Ballesteros at Martin del Rosario.

Excited si Christian sa pagbabalik niya sa gay role lalo at makakasama niya uli si Paolo. Ganu’n din si Martin na gumanap naman bilang Barbs sa “Born Beautiful.”

Pinagtatakhan ni Christian kung bakit natatanong siya ng press kung bakit binalikan niya ang pagganap ng bading samantalang sa interview noon ay sinabi niyang pahinga muna siya sa gay role.

Itinanggi ito ni Christian at sinabing gagawa pa rin siya ng gay role basta maganda ang kuwento gaya nga ng “The Panti Sisters.”

Siyanga pala, kalahok ang “Signal Rock” sa UDINE Film Festival sa Italy ngayong April 27. Umaasa ang mga supporter ni Christian na masusungkit nito ang best actor trophy.

Therese Malvar ginawang ‘alalay’ si Kyline

Sikat na aktres at talented pa, pero wala ang ganitong achievement kay Kyline Alcantara kung ang pagbabasehan ay ang pakikisama niya sa kanyang mga co-star sa “Inagaw Na Bituin.”
Kamakailan lang, naloka at naaliw kay Kyline ang mga Sunflowers dahil sa video na pinoste ng isa sa mga kasamahan niya sa set ng nasabing Kapuso serye. Mapapanood sa video na lumabas sa Twitter na nakayuko ang isang babaeng naka-shorts ng khaki at white t-shirt.

Nang mag-angat ito ng ulo at mag-zoom out ng konti ang kamera, nalantad na ang babaeng nakayuko ay si Kyline. Inaayos pala nito ang sapatos ni Therese Malvar na nakita rin sa video matapos ang kanilang ginagawa.

Kukunan ang eksena ni Therese sa serye at hindi nito maikabit ang strap ng sapatos kaya naman nagmagandang loob si Kyline. Sabi nga sa caption ng video, puwede rin daw maging alalay o production staff si Kyline.

Nakangiting lumabas si Therese sa tent nila ni Kyline dahil sa gesture na ginawa ng co-star niya. Nakangiti rin si Kyline na aliw na aliw sa kanyang ginawa para sa gumaganap na kontrabida sa kanilang serye.

Claudine mahal na mahal si Vilma

Para sa pagmamahal sa kanyang itinuturing na isa sa mga nanay sa showbiz, walang hindi gagawin si Claudine Barretto. Mu­ling bumalik si Claudine sa Lipa City para ikampaniya si Cong. Vilma Santos.

Naka-post sa Instagram wall ni Claudine ang ilang larawan na kasama pa niya ang buong pamilya ni Cong. Vilma, kabilang na ang bunso nitong si Ryan Christian.
Wala sa larawan ang Star For All Seasons.

Mahigit sampung taon na mula nu’ng magkasama sa movie sina Claudine at Vilma, ang “Anak,” pero hanggang ngayon hindi pa rin nalulusaw ang pagkakaibigan ng dalawa.

The post Coco Martin pinahirapan si Michael de Mesa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *