Coco, Luis, Vice bibida rin: Angel, Juday, Angelica, Charo magrereyna sa A2Z

Ang bongga nga ng bagong logo ng ZOE TV, ha! Na mula sa Zoe ay ginawa na itong A2Z Channel 11 (analog TV). Ang bongga ng kulay na pinaghalong kulay ginto (A2Z), na kulay asul ang background, at kulay puti naman ang mga linyang channel 11.

The post Coco, Luis, Vice bibida rin: Angel, Juday, Angelica, Charo magrereyna sa A2Z first appeared on Abante.

coco luis vice bibida rin angel juday angelica charo magrereyna sa a2z - Coco, Luis, Vice bibida rin: Angel, Juday, Angelica, Charo magrereyna sa A2Z
kapamilya 1 - Coco, Luis, Vice bibida rin: Angel, Juday, Angelica, Charo magrereyna sa A2Z

Ang bongga nga ng bagong logo ng ZOE TV, ha! Na mula sa Zoe ay ginawa na itong A2Z Channel 11 (analog TV). Ang bongga ng kulay na pinaghalong kulay ginto (A2Z), na kulay asul ang background, at kulay puti naman ang mga linyang channel 11.

Anyway, sa mga nagtatanong, heto na po ang mensahe, listahan ng mga palabas ng Dos na mapapanood sa A2Z Channel 11.

“Mapapanood na ang mga teleserye, pelikula, at live entertainment shows ng ABS-CBN sa bagong A2Z channel 11 analog TV simula ngayong linggo.

“Live na magsisimula ang “It’s Showtime” ngayong Oktubre 10 at ang “ASAP Natin ‘To” sa Linggo (Oktubre 11) para maghatid ng masasayang kulitan at musical performances.

“Magkakaroon naman ng teleserye marathon ng “FPJ’s Ang Probinsyano” (ni Coco Martin) “Ang Sa Iyo ay Akin” (nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Maricel Soriano) at “Walang Hanggang Paalam” (nina Angelica Panganiban, Arci Munoz, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo) ngayong weekend (Oktubre 10 at 11) bago ang pagpapalabas ng bagong episodes gabi-gabi simula Lunes (Oktubre 12).

“Sa mga susunod na linggo, masusubaybayan na rin sa A2Z channel 11 ang paghahatid ng serbisyo sa “Paano Kita Mapapasalamatan” (ni Judy Ann Santos) at “Iba ‘Yan” (ni Angel Locsin).

“Malapit na ring mapanood sa channel ang live na kwentuhan sa “Magandang Buhay” (nina Karla Estrada, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros) ang hulaan at kantahan sa mystery game show na “I Can See Your Voice” (ni Luis Manzano) at ang longest-running drama anthology sa Asya na “MMK” (ni Charo Santos Concio)

“Bukod sa entertainment shows, magsisimula na rin magpalabas ng mga pelikula at educational programs ngayong (Oktubre 8).

“Una nang ipinahayag ng ABS-CBN na ipapalabas na ang ilan sa mga programa nito sa bagong A2Z channel 11 bilang bahagi ng kasunduan nito sa Zoe Broadcasting Network Inc.

“Mapapanood ang A2Z channel 11 analog TV sa Metro Manila at mga malalapit na probinsya. Available din ito sa iba’t ibang cable TV at satellite TV providers sa buong bansa.

“Patuloy namang napapanood ang ABS-CBN shows sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel, sa online sa iWant TFC at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at sa buong mundo sa pamamagitan ng cable TV and satellite partners.”

Bongga, di ba? (Dondon Sermino)

The post Coco, Luis, Vice bibida rin: Angel, Juday, Angelica, Charo magrereyna sa A2Z first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *