Coco kinaiinggitan dahil sa mamahaling mga sasakyan

Nahihiga si Coco Martin sa karangyaan, na ang mga bagay na pinangarap lang niya noon ay nasa palad na niya ngayon.

The post Coco kinaiinggitan dahil sa mamahaling mga sasakyan appeared first on Abante News Online.

coco kinaiinggitan dahil sa mamahaling mga sasakyan - Coco kinaiinggitan dahil sa mamahaling mga sasakyan
Untitled 3 44 - Coco kinaiinggitan dahil sa mamahaling mga sasakyan

Nahihiga si Coco Martin sa karangyaan, na ang mga bagay na pinangarap lang niya noon ay nasa palad na niya ngayon.

Sentro ng paghanga at inggit si Coco ngayon dahil sa pagpo-post niya ng mga natatangi at mamahaling sasakyan.

Nu’ng nakaraang MMFF 2018, bumida sa mga car lover si Coco nang i-display niya sa parada ang bagong biling black SUV. Hindi ordinaryo ang sasakyan na parang maihahalintulad sa armored car at parang inspired sa sasakyan ni Batman ang design.

Hindi bababa sa limang milyong piso ang halaga ng nasabing sasakyan na tila in-import pa mula sa ibang bansa.

Kamakailan lang ay nag-post uli si Coco ng isang kakaibang sasakyan, at ito ay isang vintage motorcycle na may side car. Ang nasabing design ay mukhang inspired sa German motorcycles na ginamit noong panahon ni Hitler.

Tila pina-customize ni Coco ang nasabing sasakyan dahil sa kakaibang itsura nito. Mahilig talaga si Coco sa mga mamahaling motorbikes.

Well sa karangyaang namamalas ng publiko kay Coco, itinuturing na isa siya sa top earner sa lumpon ng mga Kapamilya star. (Rey Pumaloy)

The post Coco kinaiinggitan dahil sa mamahaling mga sasakyan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *