Coco-Jennylyn-Ai Ai babanggain sina Vice-Anne-Dimples

Mas mainit ang banggaan ng magkaibigang sina Vice Ganda at Coco Martin sa takilya nga­yong MMFF 2019 dahil sa mga artistang isinama nila sa kani-kanilang mga pelikulang kalahok sa festival.

coco jennylyn ai ai babanggain sina vice anne dimples - Coco-Jennylyn-Ai Ai babanggain sina Vice-Anne-Dimples
ABANTE cow3 - Coco-Jennylyn-Ai Ai babanggain sina Vice-Anne-Dimples

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Coco-Jennylyn-Ai Ai babanggain sina Vice-Anne-DimplesMas mainit ang banggaan ng magkaibigang sina Vice Ganda at Coco Martin sa takilya nga­yong MMFF 2019 dahil sa mga artistang isinama nila sa kani-kanilang mga pelikulang kalahok sa festival.

May effort na magpatalbugan ang dalawang malaking personality sa local showbiz na ayaw magpatalo sa isa’t isa.

Kung may Anne Curtis at Dimples Romana si Vice na sinahugan pa niya ng maraming stand-up comedians ang kanyang pelikula, humakot naman si Coco ng mga artista sa kabilang kuwadra, sa GMA-7.

Sina Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas naman na Kapuso ang co-stars ng “Ang Probinsyano” lead star.

Nakaposte na sa IG wall ni Dimples ang larawan nila ni Vice na kuha sa guesting ng aktres sa GGV.

Sa caption, ibinalita nito ang pagsama niya sa casts ng MMFF 2019 movie ni Vice.

Si Anne naman ay masayang ibinalita sa presscon ng latest movie niyang “Just A Stranger” na kasama siya sa movie ni Vice ngayong MMFF. Ang dalawa ay frontline hosts ng “It’s Showtime”.

Matapos ang farewell presscon ng “Sino Ang Maysala? Mea Culpa” noong nakaraang linggo, nakasabay namin ang business manager ni Coco, na manager rin ni Jodi Sta. Maria.

Sa maikling tsikahan, sinabi nitong pagkatapos ng “ASAP” ngayong araw na ito sa Bay Area, San Francisco, USA, lilipad na agad sila ni Coco pabalik ng ‘Pinas dahil sa mga schedule nito na dapat gawin, kabilang na ang nagsimula nang shooting ng MMFF movie nito.

Binanggit nga nito ang pangalan nina Jennylyn at Ai Ai na makakasama ni Coco sa movie project.

Sigurado na ang pagbabalik ng Concert Comedy Queen sa bakuran ng ABS-CBN, matapos ang ilang taon mula nang lumipat ito sa GMA-7.

Alden, Kathryn nagdusa bago nagtagumpay

Panay ang pa-throwback ng team ng “Hello, Love Goodbye” sa ginawang shooting nila sa Hong Kong, para ipakita sa mga netizen ang pinagdaanan nila para maging deserving sa box-office records ngayon ang kanilang movie.

Si Alden Richards na ka-team up ni Kathryn Bernardo sa movie ay nag-post sa kanyang Instagram wall ng larawan nila ni Kathryn na binibigyan ng instruction ng direktor na si Cathy Garcia-Molina para sa kukunang eksena.
Umuulan sa set nang mga sanda­ling ‘yun sa HK, at sinabi nga ni Alden sa caption na kahit pagod na pagod at gutom na gutom silang lahat, at nakasahod sa ulan ang kanilang mga katawan, tuloy pa rin ang trabaho nila, matapos lang ang movie.

Inire-relate ni Alden ang sitwasyon nila noon sa shooting sa pag-ulan ngayon sa buong Pilipinas.

Nagposte naman si Kakai Bautista ng video sa kanyang Instagram wall, na makikitang hawak-hawak nila ang isang malong o malapad na tela at nakapalibot silang lahat kay Kathryn na nagbibihis mismo sa loob ng telang hawak nila.

Nagbibihis si Kathryn ng damit sa gitna ng maraming tao. Nasa isang public place ang grupo kung saan sila magsu-shoot.

Nakabantay lang si Alden na napapa­ngiti sa mga kaganapan sa paligid.
Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan sa buong ‘Pinas ang patuloy na pananalasa ng “HLG” sa box-office sa mga sinehan.

Dingdong niregaluhan ni Marian ng painting

Sa pagnanais ni Marian Rivera na i-immortalize ang pagiging ama ng kanyang asawang si Dingdong Dantes sa kanilang dalawang anak, partikular na sa kanilang bunso at bigyan ito ng isang priceless gift, isang natatanging regalo ang ibi­nigay nito sa aktor.

Nasorpresa nang bonggang-bongga si Dingdong nang ipakita sa kanya ni Marian ang isang painting.­

Touching o nakakaantig ng damdamin ang painting na pinoste ni Dingdong sa kanyang Instagram wall dahil naka-dibuho siya rito habang karga niya at nakahilig sa dibdib ang natutulog niyang bunso.

Ayon sa caption ni Dingdong, kinomisyon ng kanyang asawa ang kanilang kumpare na si Mark Rocha Padernal para makalikha ng portrait painting nila ng kanyang anak, ilang araw bago sumapit ang August 2, na mismong kaarawan ng Kapuso actor.

Tinawag na “art piece” ni Dingdong ang nasabing larawan dahil napakaganda ng painting na nagpapakita ng wagas na pagmamahal ng isang ama sa kanyang anak.

Gaya ng dapat asahan, pinasalamatan ni Dingdong ang asawa sa regalo niyang ito, na hinangaan ng mga follower, supporter ng aktor at fans ng misis niyang si Marian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *