Coco enjoy magpaka-tatay

Umaga pa lamang ay dumagsa na ang mga Panga­sinense sa Bayambang covered court nang dalhin ni senatorial candidate Grace Poe ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ lead star na si Coco Martin.

The post Coco enjoy magpaka-tatay appeared first on Abante News Online.

coco enjoy magpaka tatay - Coco enjoy magpaka-tatay
ABANTE coco - Coco enjoy magpaka-tatay

By Athena Yap

Dinumog sa Pangasinan

Umaga pa lamang ay dumagsa na ang mga Panga­sinense sa Bayambang covered court nang dalhin ni senatorial candidate Grace Poe ang ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ lead star na si Coco Martin.

Dumating nga sa grand rally ni Poe si Coco. At halos mabali na nga ang mga kamay sa mahigpit na kapit ng mga security para harangin ang mga fan na pilit lumalapit kay Coco.

Sa unang kanta pa lang ni Coco, todo hiyawan na ang mga fan. Kinanta niya ang­pambungad na kanta niyang ‘Macho Guwapito’ at pagkatapos ay tinawag niya ang dalawang kasama niyang vendetta sa teleseryeng ‘Ang Probinsyano’ sabay awit ng “Kami ang Vendetta.”

Hinarana din nina ‘Cardo’ at kapwa vendetta ang mga fan ng “Peksman” at “Buwan.”

Pagsapit naman ng gabi, pa­tuloy pa rin ang pagdagsa ng mga fan sa Binalonan na siyang kasunod na entabladong pagtatanghalan ng aktor.

Makikita kay Coco ang kanyang pagkahilig sa bata on stage na talagang mas focus niyang inaawitan ang mga ito at mas madalas sabihan ng “I Labyu!” pati na rin kung paano nito yapusin ang mga batang Pangasinense.

May mga netizen tuloy na napa-comment, na tila ba nakaka-alis ng stress kay Coco ang mga bata. Na kesyo sanay at nag-e-enjoy itong mag-alaga ng mga bata, parang tatay na rin kumbaga.

The post Coco enjoy magpaka-tatay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *