Clint ‘ampalaya’ pa rin kay Catriona

Hanggang ngayon ay parang mapait pa rin talaga ang pakiramdam ni Clint Bondad sa ex-girlfriend niyang si 2018 Miss Universe Catriona Gray. Sa isang tugon kasi ni Clint sa comment ng isang fan, damang-dama talaga ang pagka-bitter ng model nang banggitin ng netizen ang balitang nasa bansa na ang ex niya na si Catriona.

clint ampalaya pa rin kay catriona - Clint ‘ampalaya’ pa rin kay Catriona
clint 1 - Clint ‘ampalaya’ pa rin kay Catriona

Hanggang ngayon ay parang mapait pa rin talaga ang pakiramdam ni Clint Bondad sa ex-girlfriend niyang si 2018 Miss Universe Catriona Gray. Sa isang tugon kasi ni Clint sa comment ng isang fan, damang-dama talaga ang pagka-bitter ng model nang banggitin ng netizen ang balitang nasa bansa na ang ex niya na si Catriona.

“Cat is already here in the Phil,” sabi ng fan.

“Her journey. But find it uninteresting. Hope you’re well,” sagot naman ni Clint.

Marami ang hindi natuwa sa naging sagot ni Clint at sinabihan nga itong “ampalaya”.

Samantala ang iba namang fan ay naintindihan na baka mapait nga ang pinagdaanan ng kanilang relasyon. Pero wala talagang klarong detalye kung ano ang tunay na dahilan ng kanilang break-up.

February 2019 nang kumpirmahin ng reyna ang hiwalayan nila ng kanyang long-time boyfriend na si Clint. Anim na taon sila together kaya siguro hindi talaga madaling mag-move on para sa binata, o sa kanilang dalawa. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *