Claudine tinawag na reyna: Kisses inalmahan ng mga fan ni Juday

Umalma ang mga tagahanga ni Judy Ann Santos sa Instagram post ni Kisses Delavin na kasama niya sa ­larawan si Claudine Barretto.

The post Claudine tinawag na reyna: Kisses inalmahan ng mga fan ni Juday appeared first on Abante News Online.

claudine tinawag na reyna kisses inalmahan ng mga fan ni juday - Claudine tinawag na reyna: Kisses inalmahan ng mga fan ni Juday
Abante 2019 Kisses 1 - Claudine tinawag na reyna: Kisses inalmahan ng mga fan ni Juday

Umalma ang mga tagahanga ni Judy Ann Santos sa Instagram post ni Kisses Delavin na kasama niya sa ­larawan si Claudine Barretto.

Sa posting ng Kapamilya star, ikinatuwa nito ang pagkakaroon ng photo op kay Claudine, at sinabi nito sa caption ang pagkilala niya bilang reyna kay Claudine.

@kissesdelavin, “With the ABS CBN teleserye queen.”

Marami ang kinilig sa larawang ito at naintriga kung may gagawin bang TV pro­ject si Claudine sa Kapamilya o pelikula.

Pero may mga follower ni Kissess na tila mga supporter ni Juday ang umalma sa caption nito.

@nahneyt, “Hi, Kisses, Judy Ann Santos is the Queen of Teleserye. Mga batang 90’s should know. Nung walang maka­talo sa Marimar, ang Mara Clara ang ipinantapat sa primetime slot (from its afternoon). Sir Freddie Garcia and Vice Ganda shared that info in one of the episodes of PGT. Claudine had her share of success, but Judy Ann paved the way.”

Sumawsaw na ang ibang mga kapanalig ni Judy Ann na nagsasabing Teleserye Queen talaga si Juday.

Sey naman ng mga maka-Claudine, Teleserye Queen ang kanilang idol at si Judy Ann ay ­Pinoy Soap Opera Queen.”

Walang ibang sinagutan si Kisses sa comment ng kanyang mga follower, sa pag-aalala sigurong baka maipit ito sa balitak­takan. (Rey Pumaloy)

The post Claudine tinawag na reyna: Kisses inalmahan ng mga fan ni Juday appeared first on Abante News Online.

1 thought on “Claudine tinawag na reyna: Kisses inalmahan ng mga fan ni Juday

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *