Claudine sawa nang magpatutsada kay Marjorie

Sa halip na magpatutsadang muli si Claudine Barretto sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto kaugnay sa away nila, mas itinutuon ngayon ng nakababatang Barretto ang atensiyon niya sa positive vibe sa Instagram.

claudine sawa nang magpatutsada kay marjorie - Claudine sawa nang magpatutsada kay Marjorie
clau - Claudine sawa nang magpatutsada kay Marjorie

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 40 336x224 - Claudine sawa nang magpatutsada kay MarjorieSa halip na magpatutsadang muli si Claudine Barretto sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto kaugnay sa away nila, mas itinutuon ngayon ng nakababatang Barretto ang atensiyon niya sa positive vibe sa Instagram.

Isa na nga rito ay ang pagpapakita muli ni Claudine sa bago niyang ampon na si Noah. Sunod-sunod ang posting ni Claudine ng video sa kanyang bunso, gaya na lamang ng close up nito na nakasuot ng pumpkin costume para sa Halloween.

Makikitang naka-stroller pa ang bata at takang-taka sa pakikipag-usap sa kanya ng kanyang adoptive mother.

May isa rin na masisilip na pinanggigilan ni Claudine ang bata habang karga-karga ito at panay ang pupog niya ng halik sa pisngi at tiyan ng bata.

Naaliw ang mga follower ni Claudine sa mga latest IG post nito dahil hindi na ito nagpapatutsada kay Marjorie.

Komento nga ng kaibigan nitong si Bianca Lapus, si Claudine raw ang Angelina Jolie ng Pilipinas. Tatlo na ang ampon ni Claudine: Si Sabina na dalagita na ngayon, si Quia na bata pa, at ang pinaka-latest at bunso nito na si Noah.

Balik happy moment si Claudine sa kanyang social media, na mga pagkain, accessories at iba pa na ipinapadala sa kanya ang madalas niyang i-post.

Binisita rin siya ng isa sa lead star ng “Kadenang Ginto” na si Francine Diaz, na kilala sa character name nito sa serye na si Cassie Mondragon.

Wish ng mga fan, supporter ni Claudine na magtuloy-tuloy ang mga happy posting nito at ‘wag nang pumitik pa ng patutsada kay Marjorie.

Yasmien humingi ng dasal para sa may sakit na ama

Emotional si Yasmien Kurdi sa Facebook post niya tungkol sa kanyang Kuwaiti father. Base sa larawang ipinakita ni Yasmien sa FB, may karamdaman ang kanyang ama.

Base sa nakabalandrang dalawang photo, nakaratay sa hospital bed ang ama ni Yasmien at may nakasaksak na suwero sa braso nito. Naka-insert sa dalawang photo ang larawan ni Yasmien na namumugto ang mga mata dahil sa pag-aalala.

Galing sa screenshot ng video call ni Yasmien sa kanyang ama ang mga photo.

Gusto ni Yasmien na ipakita sa kanyang mga sumusubaybay sa kanyang FB ang kaibahan noong maayos pa ang kanyang ama, kaysa ngayong nakaratay ito sa ospital, kaya ipinakita niya ang larawan ng ama noon.

Nanalangin si Yasmien na maging maayos at gumaling ang kanyang ama sa pinagdadaanan nito sa kasalukuyan.

Andrea abot tenga ang ngiti sa piling ni Derek

Walang dudang idinuduyan sa pag-ibig ni Derek Ramsay ang dyowa niya ngayong si Andrea Torres. Naka-post sa Instagram ni Andrea ang larawan nila ni Derek na kuha pa sa Zipline adventure nila sa Dubai kamakailan.

Travel-buddy ni Derek si Andrea ngayon. Makikita sa photo na abot hanggang tenga ang kasiyahan nila ni Derek sa mga sandaling ‘yon.

Heto ang caption ni Andrea: “Sorry, I can’t help it. You make me so happy.”

Marami ang boto sa relasyon na ito nina Andrea at Derek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *