Claudine niregaluhan ng mamahaling sapatos si Cassie Mondragon

Hinding-hindi makakalimutan ni Francine Diaz (kilala sa character name na Cassie Mondragon sa “Kadenang Ginto”) si Claudine Barretto. Markado na si Claudine kay Francine at ang ginawa nito sa kanya na labis niyang ikinatuwa.

claudine niregaluhan ng mamahaling sapatos si cassie mondragon - Claudine niregaluhan ng mamahaling sapatos si Cassie Mondragon
clau 1 - Claudine niregaluhan ng mamahaling sapatos si Cassie Mondragon

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 41 336x224 - Claudine niregaluhan ng mamahaling sapatos si Cassie MondragonHinding-hindi makakalimutan ni Francine Diaz (kilala sa character name na Cassie Mondragon sa “Kadenang Ginto”) si Claudine Barretto. Markado na si Claudine kay Francine at ang ginawa nito sa kanya na labis niyang ikinatuwa.

Isang sorpresa at hindi inaasahang gesture ang ipinaramdam ni Claudine kay Francine sa pagdalaw nito sa bahay niya.

Naka-post sa Instagram ng dating aktres na si Bianca Lapus ang video na nagpapakita sa naging experience ni Francine kay Claudine. Masisilip sa video ang kasiyahan ni Francine at ang pagyakap nito kay Claudine habang nagpapasalamat.

Binigyan kasi ni Claudine si Francine ng isang pares ng sapatos na Louboutin. Ayon kay Bianca, minsan pa lang naisuot ni Claudine at ‘yun ay sa nakaraang pictorial nito para sa isang fashion magazine.

Sa kuwento ni Bianca, natuwa si Claudine sa pagbisita sa kanya ni Francine at para makilala siya nang personal dahil napapanood nila ng kanyang ina at kapatid ang mga serye nito sa Kapamilya network noon. Napanood din ni Francine ang pelikula ni Claudine na “Anak”.

Eh fan din si Claudine ng serye ni Francine kaya nais niya itong makita nang personal. Hindi nagdalawang-isip si Francine at ang ina nito na puntahan si Claudine sa bahay nito, kasama ang kabigan ng aktres na si Bianca.

Sa gitna ng kanilang tsikahan, tinanong ni Claudine si Francine kung ano ang shoe size nito. Pagbalik niya, dala-dala na niya ang Louboutin shoes at ipinasuot na ito kay Francine.

Isa ang Louboutin sa pinakamahal na imported shoes na nagkakahalaga nang hindi bababang presyo na $1,000 dollars. Malayo pang makabili ng ganitong kamahal na sapatos ang batang aktres dahil nagsisimula pa lang umangat ang karera nito sa showbiz.

Dahil unang pares ito ng expensive shoes ni Francine, siguradong kasama na si Claudine sa history ni Cassie sa showbiz.

So, hindi po totoo ang tsismis na kesyo naghihirap at nangungutang si Claudine, dahil heto nga at nagagawa niyang ipamigay ang mga mamahalin niyang gamit, na puwede naman niyang ibenta para maging datung.

‘Bukol’ ni Darren pinagnasahan sa socmed

Pinagnanasahan ngayon ng mga netizen ang ‘bukol’ ng “ASAP” singer na si Darren Espanto nu’ng magsuot ito sa Halloween party ng costume na Spider-Man.

Naka-post sa Instagram ni Darren ang larawan niya na naka-Spider-Man.

Sa dalawang naunang larawan ay nakaupo ito, pero sa ikatlong photo na nakatayo ito ay lumantad na nga ang malaking ‘bukol’ nito.

Hindi puwedeng hindi mapansin ang ‘bukol’ ni Darren dahil bukod sa may maliit na zipper ito sa harap, naka-12 o’clock ang pagkakapuwesto ng ‘sandata’ nito.

Nagdulot ng malisya sa mga follower ni Darren ang bukol nito kasunod ang pagnanasa ng mga ito sa singer. Nagkaroon pa ng pahulaan sa size ng ari ng singer.

Ngayong nagbibinata na si Darren at nagpapasilip na rin ito ng resulta ng kanyang pagwu-work out, asahang sa mga darating na araw ay mas magpapa-sexy pa ito sa social media.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *