Claudine maraming pasabog sa YouTube

Marami pa rin talaga ang tagahanga ni Claudine Barretto at nag-aabang sa kung ano ang magiging plano nito pagdating sa kanyang showbiz career.

The post Claudine maraming pasabog sa YouTube first appeared on Abante.

claudine maraming pasabog sa youtube - Claudine maraming pasabog sa YouTube
abante claudine barretto - Claudine maraming pasabog sa YouTube

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Claudine maraming pasabog sa YouTubeMarami pa rin talaga ang tagahanga ni Claudine Barretto at nag-aabang sa kung ano ang magiging plano nito pagdating sa kanyang showbiz career.

Basta may balita ito na tila pagka-comeback mapa-telebisyon o pelikula, talagang nae-excite ang mga fan niya at nagsasabing nasasabik na mapanood siyang muli.

Ngayon, may bago itong pampa-excite sa mga follower niya. Nag-post si Claudine sa kanyang Instagram account na katulad ng karamihan sa mga artista ngayon, papasukin na rin nito ang mundo ng YouTube.

Nag-post kasi ito ng picture kasama raw ang kanyang team. Sey niya, “Preparing with my team for my YouTube channel.” Yung isa sa team niya, executive producer ng ilan sa shows ng GMA Network.

Base sa comment, kitang suportado si Claudine ng kapatid na si Gretchen Barretto. At ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang sa mga pasabog ni Claudine sa YouTube, ha!

Myrtle Sarrosa nganga ang career sa GMA

Natawa na lang si Myrtle Sarrosa nang ipaalala namin sa kanya na wala pa yatang isang buwan siyang Kapuso nang mag-lockdown dahil sa pandemic.

Kaya parang naudlot muna yung mga supposedly, projects na sisimulan niya sana bilang isa ng Kapuso.

Hindi naman daw naging dahilan yun para ma-depressed o malungkot siya. Ayon kay Myrtle, naiintindihan naman daw kasi niya ang mga nangyayari.

“Naiintindihan ko e, first month pa lang kasi ng COVID, meron na akong mga friends na nagsabi na meron silang COVID. Yung friend ko pa nga na yun, nakatrabaho ko pa a month before yung launch ko sa GMA, then, a few months after the lockdown, nasabi na lang niya na nag-positive. Kaya parang nakakapag-worry.”

Kaya na-realized niya raw na sa ngayon, dapat ay maging grateful lang palagi na buhay ka.

“Naiisip ko na lang na grateful ako, nakakagising pa ako everyday kesa sa mga opportunities na nawala,” sey niya.

Ilan daw sa mga projects sana na gagawin niya, may concert at movie siyang gagawin. Sa GMA naman daw, puro go-see muna siya sa mga shows kung saan puwede siyang mai-cast.

“Pero siyempre, lahat yun na-postpone muna pero okay lang naman ako, at least, nakakagising pa ako everyday at may mga online platforms din naman. Like sa Sisters ng Megasoft, we do online in Shoppee and Lazada. And eventually naman, mag-o-open din ang mga doors of opportunities.”

Masaya lang din daw si Myrtle dahil ang GMA naman daw ay kinakausap sila at nabibigyan sila ng assurance.

Aniya, “Nag-explain naman sa akin ang management. Sinasabi naman nila sa akin na at this moment in GMA, ang priority rin nila is the safety of everyone and I’m okay with that, I understand.”

The post Claudine maraming pasabog sa YouTube first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *