Claudine ikinuwento ang pananakit ni Marjorie kay Mommy Inday

Tuluyan na ngang sumiklab ang galit ni Claudine Barretto sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto matapos nitong malaman ang diumano ay pambabastos nito sa kanilang ina na si Mommy Inday Barretto.

claudine ikinuwento ang pananakit ni marjorie kay mommy inday - Claudine ikinuwento ang pananakit ni Marjorie kay Mommy Inday
claudine 5 - Claudine ikinuwento ang pananakit ni Marjorie kay Mommy Inday

Tuluyan na ngang sumiklab ang galit ni Claudine Barretto sa kanyang kapatid na si Marjorie Barretto matapos nitong malaman ang diumano ay pambabastos nito sa kanilang ina na si Mommy Inday Barretto.

Inilabas nga ni Claudine ang video na gustong sapakin ni Marjorie si ‘Inday’.

Binakbakan ng mga maanghang na salita ni Claudine si Marjorie. At gaya ng dapat asahan, sumawsaw na naman ang netizen at dinurog sa kanilang mga reaksyon, opinyon at komento si Marjorie.

Pero si Gretchen, panay lang ang like at emoticon message sa post ni Claudine.

Hindi ito nagpatutsada kay Marjorie, bagkus ay puro ‘hand praying’ lang ang komento niya.

Hinayaan lang ni Gretchen na ang mga follower ni Claudine ang bumugbog ng mga salita kay Marjorie.

Asahan ang muling bangayan sa social media nina Claudine at Marjorie dahil sa latest na pasabog ni Claudine laban sa kanyang ate. Well, sino nga kaya ang nag-video nito?

Sa huling mensahe ni Claudine, nagbanta na siya kay Marjorie na…

“My Heart breaks for my mom. Although this didn’t surprise me bcoz she does this all the time. Earlier this year she was going to hurt my mom physically & in so many more times. Now that my Dad is not around I promise on my father’s grave that this will never happen again.

“This was the argument my mom & Marjorie had regarding Julias 500k hospital contribution (in exchange of my parents subic home) #gooddaughter.

“Here’s a fact ) Marjorie came out of the icu where my dad was in a critical condition. Only 2 visitors at a time can enter the ICU (it was only mom Inday & Marjorie inside the icu. She then says, super drama si Inday baka MASAPAK KO (who then can she refer to other than my mom inday).

“To the one who sent this video. Thank u So much.”

***

Dedma sa galit ng ama:

Morissette super baliw na sa dyowa

Wala nang makakapigil pa kay Morissette Amon, kahit pa ang kanyang ama, na ipangalandakan ang kanyang love life. Nakabalandra sa Instagram ni Morissette ang ilang larawan nila ng boyfriend na si Dave Lamar, na kuha sa New York.

Ang unang post ni Morissette ay nakaangkla ang kamay niya sa leeg ng kasintahan habang magkadikit ang kanilang mga katawan at mukha. Inlababo si Morissette sa kasintahan dahil sa caption nitong “mine”.

Ang sumunod nitong mga photo, ang isa ay solo ng kanyang boyfriend, at ang isa naman ay selfie nila ulit.

Nasa caption ang umaapaw na kaligayahan sa buhay ngayon ni Morissette dahil kay Dave.

“Got My Sunshine on a cloudy day,” sabi niya.

Base sa kanyang personal detail, si Dave ay isang singer, songwriter, filmmaker. Ang naturang lalaki ang sinasabi ng ama ng “ASAP” singer na siyang naglayo kay Morissette sa kanilang piling.

Tutol ang tatay ni Morissette sa lalaki dahil hindi raw siya nirerespeto nito at nilason daw nito ang isip ng kanyang anak para tuluyang mapasakanya ang dalaga.

***

Katrina tanggap ang anak ni Kris sa ibang babae

May kapatid na si Katie Lawrence, ang anak nina Katrina Halili at R&B singer Kris Lawrence. Pinoste ni Katrina ang larawan ng anak habang nasa tabi nito ang isang sanggol.

Sey ni Katrina sa caption ng photo, bagong kapatid daw ito ng kanyang anak.

Naka-post rin ang nasabing larawan sa Instagram ni Kris, pati na ang iba pang larawan ng kanyang baby boy, na pinangalanan niyang Lyric.

Sa photo gallery ni Kris, makikita ang ilan pang mga photo ng sanggol. At sa caption, ipinapakilala ng singer ang kanyang anak sa mga netizen.

Mukhang ang baby lang ni Kris ang gusto nitong ibahagi sa social media, pero hindi ang mukha ng ina ng bata. Sa pagsi-search namin sa mga larawan ni Kris para malaman namin kung sino ang girlfriend nito, wala ni isang larawan sa kanyang gallery.

Mas naka-post pa ang mga photo nila ni Katrina kahit hindi na sila magdyowa.

Hindi sinagot ni Kris ang tanong ng mga fan kung sino ang mommy ng bago niyang baby. Pero ang maganda nga, tanggap ni Katrina ang baby ni Kris sa ibang babae.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *