Claudine dedma sa Raymart-Jodi ‘relasyon’

Dedma lang si Claudine Barretto sa ‘relasyon’ nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria. Wala pang masyadong reaksiyon si Claudine sa pag-amin ni Raymart sa pagmamahal niya kay Jodi.

The post Claudine dedma sa Raymart-Jodi ‘relasyon’ first appeared on Abante.

claudine dedma sa raymart jodi relasyon - Claudine dedma sa Raymart-Jodi ‘relasyon’
CLAUDINE - Claudine dedma sa Raymart-Jodi ‘relasyon’

dondon sermino 9 - Claudine dedma sa Raymart-Jodi ‘relasyon’Dedma lang si Claudine Barretto sa ‘relasyon’ nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria. Wala pang masyadong reaksiyon si Claudine sa pag-amin ni Raymart sa pagmamahal niya kay Jodi.

Noon kasing may inilantad na ‘girlfriend’ si Raymart na non-showbiz, naglabas ng tampo ang panganay nila ni Claudine na si Sabina. Pero ngayon, tahimik lang ang social media account ng kampo ni Claudine.

Mas inuuna ni Claudine ang pagbebenta ng ‘van’.

Pero malay naman natin, bigla na lang may ‘paandar’ si Claudine. Sa ngayon kasi, naka-off ang comment section ng kanyang Instagram.

Katrina ‘inabuso’ ni Jason

Sina Katrina Halili at Jason Abalos ang bibida sa fresh episode ng weekly drama anthology series na Tadhana ngayong Sabado (October 3) kasama ang host na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

Para sa iba, may dalang panatag sa kalooban ang lockdown. Pero hindi ito ang kaso para kay Imee (Katrina), dating resort staff at ngayo’y nagwo-work from home bilang isang virtual assistant. Biktima kasi siya ng pang-aabuso ng kaniyang asawang si Benjo (Jason).

Sa kanilang araw-araw na pagsasama, uusbong ang galit at pagkadismaya ni Benjo. Sa loob kasi ng limang taon nila bilang mag-asawa ay hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak. Mataas ang pride at insecure rin siya sa career ni Imee. Si Benjo kasi ang nagpaaral kay Imee noong may trabaho pa siya pero ngayon, siya na ang umaasa sa asawa.

Mula sa pambubugbog at pagmumura, pati ang sapilitang pakikipagtalik ay ipararanas niya kay Imee. Hindi pa makukuntento ang lalaki at makikiapid pa sa kapitbahay at manikuristang si Lucy (Arny Ross).

Dahil na rin sa pangangabit ni Benjo ay tatakas sa sariling bahay ang kaawa-awang si Imee. Magiging madilim ang tadhana ni Imee hanggang sa makahanap siya ng kakampi sa katrabahong si Renan (Ali Khatibi). Muli pa kayang makakabangon si Imee?

Tunghayan ang pinakabagong episode ng Tadhana ngayong Sabado, 3:15 pm sa GMA Network.

TikTok sensation JMKO may pasabog sa mga fan

Ilulunsad ng singer-songwriter at ngayon ay isa na ring TikTok sensation na si JMKO ang bago niyang single na “Bakit Pa Ba” sa kanyang mini-concert na #JMKOSessions na eksklusibong mapapanood sa TikTok sa darating na Oktubre 9 (Biyernes).

Aawitin ng Star Music artist ang kanyang orihinal na atake sa OPM hit na “Bakit Pa Ba” na unang kinanta ng R&B royalty na si Jay R noong 2003. Hatid ng bagong single na mismong si JMKO ang nag-arrange ang emosyunal na ballad feels sa tinaguriang R&B classic.

Dinadala ng kanta ang mga makikinig sa madamdaming pagsisisi at paghiling sa kapatawaran at pangalawang pagkakataon mula sa taong minamahal.

Mayroon nang 1.6 million followers sa TikTok si JMKO sa kasalukuyan. Patok sa sikat na video-sharing app ang kanyang Popcorn Duets, Duet with Me, at mashup videos na talaga namang ikinatutuwa at ginagamit ng TikTok users mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Bilang regalo sa kanyang followers, unang beses niyang ipaparinig ang “Bakit Pa Ba” sa TikTok bago ito ilabas sa digital music platforms.

Si JMKO rin ang umawit ng kantang “Aahon,” na ginamit namang soundtrack ng “The Story of Yanxi Palace” para sa Philippine airing nito.

Mapapakinggan na ang “Bakit Pa Ba” single sa Spotify, Apple Music, at iba pang digital music platforms simula Oktubre 10 (Sabado).

The post Claudine dedma sa Raymart-Jodi ‘relasyon’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *