Claudia, Stephanie naghubo’t hubad sa Italia

Walang takot na ilantad ng ‘90s supermodels na sina Claudia Schiffer at Stephanie Seymour ang kanilang naked bodies sa latest photoshoot nila with lensman Collier Schorr para sa Vogue Italia.

claudia stephanie naghubot hubad sa italia - Claudia, Stephanie naghubo’t hubad sa Italia
ABANTE hubad - Claudia, Stephanie naghubo’t hubad sa Italia

Walang takot na ilantad ng ‘90s supermodels na sina Claudia Schiffer at Stephanie Seymour ang kanilang naked bodies sa latest photoshoot nila with lensman Collier Schorr para sa Vogue Italia.

Ang tema ng photoshoot ay self-portrait na unang pinagawa sa kanila ng photographer na si Helmut Newton. Ang mga models ay haharap sa malaking mirror at sila ang kukuha ng sarili nilang photo.

Ayon sa Vogue Italia: “Here, Schiffer and Seymour are no longer the teenage girls of some of Newton’s most iconic images, but real women who are conscious of their actions.”

Ang 48-year old na si Claudia ay huling nalagay sa cover ng Vogue Italia 25 years ago. Sa shot niya, tinakpan lang niya ang maseselang bahagi ng katawan niya with a clutch purse, heels and jacket.

Ang 51-year old naman na si Stephanie ay na-cover sa naturang magazine 32 years ago at ngayon ay pinantakip lang niya sa hubad niyang katawan ay black belt, striped necklace, and sexy heels.

Lalabas ang issue na ito ng Vogue Italia on August 6. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *