Chika ng mga fan: KC, Piolo nagsyuting sa Batangas

Si KC Concepcion nga ba ang leading lady ni Piolo Pascual sa bago niyang movie? Sa YouTube channel ni Carmina Villarroel ay naikuwento nga ni Piolo na nakatapos na siya ng isang pelikula, na kinunan habang naka-lockdown ang Pilipinas.

The post Chika ng mga fan: KC, Piolo nagsyuting sa Batangas first appeared on Abante.

chika ng mga fan kc piolo nagsyuting sa batangas - Chika ng mga fan: KC, Piolo nagsyuting sa Batangas
abante kc 1 - Chika ng mga fan: KC, Piolo nagsyuting sa Batangas

Dondon Sermino Paistaran 1 1 300x200 - Chika ng mga fan: KC, Piolo nagsyuting sa BatangasSi KC Concepcion nga ba ang leading lady ni Piolo Pascual sa bago niyang movie? Sa YouTube channel ni Carmina Villarroel ay naikuwento nga ni Piolo na nakatapos na siya ng isang pelikula, na kinunan habang naka-lockdown ang Pilipinas.

Hindi niya binanggit kung sino ang kanyang leading lady. Pero, marami ang humula na si KC raw `yon, at sa Batangas daw siguro nag-shooting ang dalawa.

Di ba nga, natsismis na nakitang magkasama sina KC at Piolo sa Batangas. Si KC ay nagbakasyon sa San Benito Farm, at si Piolo naman ay sa kanyang rest house sa Batangas.

Pero, kahit wala namang lumabas na photo na magkasama nga sila, pinaniniwalaan `yon ng mga fan, na umaasa na magkakabalikan ang kanilang mga idolo.

Sabi pa nila, posible talaga ang balikan sa pelikula ng dalawa. Si KC kasi ay talent na ni Erickson Raymundo ng Cornerstone Entertainment, na matalik na kaibigan at kasosyo sa negosyo ni Piolo.

Well, haka-haka lang ito ng mga fan, ha! At abangan na lang natin kung tama nga ang hinala nila.

Kunsabagay, sa YouTube nga ay kung ano-anong tsismis ang mapapanood mo tungkol kina KC at Piolo, na kesyo sila na ulit, na kesyo nagbabalak na silang magpakasal.

Hopia ni Bianca bet tikman ng mga boylet

Marami ang natuwa, tinamaan sa heartfelt birthday message ni Bianca Umali para sa kanyang lola. Superhero kung tawagin ng aktres ang paternal grandmother na si Victorina “Vicky” Umali.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Bianca ang favorite photo niya ng kanyang Lola Vicky.

“This will always be my favorite photo of you, Mama. Happy happy happy birthday, my superhero. We’ll always eat plenty of hopia and drink plenty of coffee together, our favorite! Mahal na mahal na mahal kita!!! *huuug* So proud to be a lola’s girl,” sey niya.

Sabi ng mga netizen, para rin pala silang si Bianca, na mahilig sa hopia. At sana raw, matikman din nila, lalo na ang mga boylet, ang katakam-takam na hopia na paboritong kainin ni Bianca at ng lola niya.

Samantala, patuloy na napapanood si Bianca sa rerun ng Kambal, Karibal gabi-gabi sa GMA Telebabad.

Klea type jowain si Andre

Sa latest vlog ni Klea Pineda, hinamon niya si Andre Paras na gawin ang fun “Jojowain o Totropahin” challenge kasama niya. Game na game naman ang Kapuso actor at ibinunyag pa niyang “jojowain” niya ang dalaga.

Pabirong pag-amin ni Andre, “Ang nakakapikon lang kasi, never kaming nagkaroon ng eksena sa Encantadia. Sana ‘yung mga writer natin naisip na pwede ‘yun. Gusto ko siyang ma-meet kasi alam ko na hindi lang siya maganda in person pero inside, she’s very respectful sa parents, very goal-driven, at alam niya kung ano’ng gusto niya.”

Para naman kay Klea, “Kasi si Andre, very fun siyang kasama tapos mafi-feel mo na concerned siya sa’yo. Pag kailangan mo ng kausap, nandyan siya para sa’yo at hindi ka mabo-bore ‘pag kasama siya. Kaya feeling ko, pwede… jojowain ko siya.”

Pinaalalahanan naman ng dalawa ang mga manonood na huwag bigyan ng malisya ang kanilang challenge. “Okay, disclaimer it’s just a game, okay? For fun lang ito,” lahad ni Andre.

Samantala, para hindi ma-miss ng kanilang fans sina Klea at Andre, mapapanood ang latest aired episodes ng Magkaagaw at Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA official website o sa GMA App.

The post Chika ng mga fan: KC, Piolo nagsyuting sa Batangas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *