Chienna, Dawn nagtalakan sa Twitter

Mukhang nabuhay muli ang iringan sa pagitan ng da-lawang miyembro ng Girltrends ng “It’s Showtime” na sina Chienna Filomeno at Dawn Chang.

chienna dawn nagtalakan sa twitter - Chienna, Dawn nagtalakan sa Twitter
ABANTE Chienna Dawn - Chienna, Dawn nagtalakan sa Twitter

Mukhang nabuhay muli ang iringan sa pagitan ng da-lawang miyembro ng Girltrends ng “It’s Showtime” na sina Chienna Filomeno at Dawn Chang.

Sa Twitter ay tila may patu-tsada si Dawn Chang sa hindi pa malaman kung kanino.

“Ang daming nakikisawsaw, gusto nyo ba sumikat or maging relevant?

Magtrabaho kayo ng maayos hindi puro awra,” sabi ni Dawn.

Sinundan pa ito ng another round ng patu-tsada: “Huwag na kayo makisali sa gulo ng iba kasi malas yan! Hindi yan ang magpapayaman sa inyo. Saktong-sakto ang pag-uusapan natin tomorrow sa @ukgdos. Mga tip pangkontra malas with @masterHanz168. Kitakits!”

Pero ang nakakaloka, may isang fan na naglakas loob i-tag si Girltrend Chienna sa tweet ni Dawn dahil feeling nila ay ito ang pinariringgan nito.

Palagay ng mga fan ay may kinalaman umano ang tweet ni Dawn sa comment ni Chienna sa post ni Julia Barretto na agad rin nitong dinelete.

Kinabukasan ay may tweet naman si Chienna na tila sagot sa patutsada ni Dawn, kaya naman mas naloka ang mga fan.

“Comforting someone is way different than ‘nakikisasaw’ or picking sides. Your friend is in pain. The very best you can do as a friend is comfort them,” sabi naman ni Chienna.

Mara-ming fan ang kumuda sa naging tweet ng aktres, at sinabing “magkaiba ang comfort sa tolerate”.

Matatandaang dati na ring nagkaroon ng alitan ang dalawa, pero nilinaw nila sa TWBA na noong Abril nitong taon ay nagkaayos na sila.

Aba! Mukhang nanumbalik nga ang away nila! Pero, ano ba talaga ang pinaglalaban nila? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *