‘Chewbacca’ Peter Mayhew namatay na

Pumanaw na si Peter Mayhew, ang nasa likod ng karakter sa “Star Wars” na si Chewbacca, sa edad na 74, noong Martes sa kanyang tahanan sa Texas ayon sa inanunsyo ng kanyang pamilya. Wala namang ibinigay na dahilan ng kanyang kamatayan.

The post ‘Chewbacca’ Peter Mayhew namatay na appeared first on Abante News Online.

chewbacca peter mayhew namatay na - ‘Chewbacca’ Peter Mayhew namatay na
ABANTE Peter Mayhew - ‘Chewbacca’ Peter Mayhew namatay na

by Jun Lopez

Pumanaw na si Peter Mayhew, ang nasa likod ng karakter sa “Star Wars” na si Chewbacca, sa edad na 74, noong Martes sa kanyang tahanan sa Texas ayon sa inanunsyo ng kanyang pamilya. Wala namang ibinigay na dahilan ng kanyang kamatayan.

Unang sumikat si Chewbacca noong 1977 sa blockbuster film na “Star Wars”, na nasundan pa ng apat na serye nito – ‘The Empire Strikes Back,’ ‘Return of the Jedi,’ ‘Revenge of the Sith’ at ‘The Force Awakens.’

Bumagay kay ­Mayhew ang role dahil sa taas niya na 7’4”. Noong 2015 ay nahirapan na ­siyang makatayo kaya’t nag-wheelchair na siya.

Sobrang minahal ni Mayhew ang karak­ter kaya’t kahit hirap na ay tini-train pa rin niya ang kanyang Chewbacca successor para maging epektibong Wookie.

“A big man with an even bigger heart who never failed to make me smile & a loyal friend who I loved dearly,” ani Mark Hamill, na gumanap na Luke Skywalker, sa Twitter.

Si Chewbacca ay isang matangkad at mabalahibong Wookie na co-pilot ng Millennium Falcon, ang spacecraft na ang captain ay ang best friend niyang si Solo, na ginampanan naman ni Harrison Ford.

“He invested his soul in the character and brought great pleasure to the ‘Star Wars’ audience,” ani Ford. “Chewbacca was an important part of the success of the films we made together … I and millions of others will never forget Peter and what he gave us all.”

The post ‘Chewbacca’ Peter Mayhew namatay na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *