Cheska humirit ng mga ‘baby’ kay Doug Kramer

“Life changing,” sabi ng basketball player na si Doug Kramer tungkol sa pagiging ama.

The post Cheska humirit ng mga ‘baby’ kay Doug Kramer appeared first on Abante News Online.

cheska humirit ng mga baby kay doug kramer - Cheska humirit ng mga ‘baby’ kay Doug Kramer
ABANTE Doug Krame - Cheska humirit ng mga ‘baby’ kay Doug Kramer

By Athena Yap

“Life changing,” sabi ng basketball player na si Doug Kramer tungkol sa pagiging ama.

Ipinagdiwang nga noong Linggo, Hunyo 16, ang espesyal na araw para sa mga dakilang ama sa buong mundo, kaya naman kanya-kanyang post ang bawat isa sa kanilang mga social media ng Father’s Day entry.

Isa na roon ang tanyag na PBA player na si Doug Kramer bilang ama sa tatlong anak nila ng celebrity wife na si Cheska Kramer.

Nag-post ito ng mga litrato nilang mag-aama, una’y noong baby pa sina Kendra, Scarlett at Gavin, sumunod naman ay photoshoot nila sa isang magazine.

“Fatherhood is a full time job.

“There’s no secret, if you want to have an intimate relationship with your child, spend time with them. Don’t give them crumbs, give them your full attention and listen to them. You want to instill discipline and respect? Spend time with them,” bahagi ng pahayag ni Doug sa kanyang Father’s Day entry.

Agad na tumugon naman si Cheska sa post na iyon, tila humihingi pa ulit ng mga baby, “I want pa babies like them!” with matching emoji na may puso ang mata ang sabi ng aktres.

Hindi nagpahuli si Doug, agad ding nag-reply, “Exactly! Give me triplets pls.”

Dahil diyan, na-excite ang mga fan na baka muli pang mag-anak ang mag-asawa. Tuwang-tuwa raw kasi sila sa pamilyang ito dahil sa magandang lahi nila.

The post Cheska humirit ng mga ‘baby’ kay Doug Kramer appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *