Cherry Pie hinalikan, niregaluhan ang pumatay sa ina niya

Kaya mo talagang patawarin ang isang tao na pumatay sa kapamilya mo? Ganyan ang paulit-ulit na usapan sa ginanap na preview ng documentary ni Cherry Pie Picache, ang “Radical Love.”

The post Cherry Pie hinalikan, niregaluhan ang pumatay sa ina niya appeared first on Abante News Online.

cherry pie hinalikan niregaluhan ang pumatay sa ina niya - Cherry Pie hinalikan, niregaluhan ang pumatay sa ina niya
ABANTE pie - Cherry Pie hinalikan, niregaluhan ang pumatay sa ina niya

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Cherry Pie hinalikan, niregaluhan ang pumatay sa ina niyaKaya mo talagang patawarin ang isang tao na pumatay sa kapamilya mo? Ganyan ang paulit-ulit na usapan sa ginanap na preview ng documentary ni Cherry Pie Picache, ang “Radical Love.”

Kilalang maka-Diyos si Cherry Pie, ngunit nasubukan ang kanyang pananampalataya nang patayin ang kanyang ina na si Zenaida Sison noong Setyembre 2014. Pero, ilang taon matapos ang trahedya, ibabahagi ni Cherry Pie ang buong kuwento ng kanyang pagpapatawad, kabilang ang kanyang pagharap sa taong kumitil sa buhay ng kanyang ina sa dokumentaryong “Radical Love” ng ABS-CBN DocuCentral. Mapapanood ito ngayong Linggo (Hulyo 7) sa “Sunday’s Best” sa ABS-CBN.

Napanood na namin ang dokyu na ito, at sa totoo lang, maraming eksena si Cherry Pie na iniyakan talaga namin. Mga eksenang hindi naman humingi ng awa, pero tagos sa puso ang epekto.

Anyway, nadiskubreng patay sa pana­naksak ang ina ng bete­ranang aktres sa bahay nito sa Quezon City. Ang suspek ay ang houseboy ni Zenaida na si Michael Flores. Ayon sa awtoridad, pagnanakaw ang pakay ni Michael ngunit nauwi ang krimen sa pagpatay sa kanyang amo.

Inamin ni Michael ang krimen at nahatulan siya ng habambuhay na pagkakakulong. Nu’ng mga panahon na ‘yon ay kinuwestyon ni Cherry Pie ang abilidad niyang magpatawad sa taong gumawa ng ganoong krimen sa kanyang magulang.

“‘Yung mawawalan ka ng magulang, ang sakit na? Kapag naaalala mo pa na ganoon ang way, she doesn’t deserve it. Paano ka hihingi ng tawad kung hindi ka magpapatawad?” sabi ni Cherry Pie.

Anyway, bago pa ang krimen, adbokasiya na ni Cherry Pie ang tulungan ang mga nakabilanggo na magbagong buhay. Dito niya naisip na posibleng mapatawad niya si Michael.

Makapigil-hininga nga ang eksena sa “Radical Love” na kung saan ay nakipagkita siya kay Michael sa New Bilibid Prison. Ang lakas nga ng kabog ng dibdib ng mga nanonood sa eksenang ‘yon, at alamin niyo na lang kung paano nairaos ang lahat. Pero sabi nga ni Cherry Pie, gusto niyang maimpluwensiyahan ang mga tao na matutong magpatawad. Parang ang hirap pa ring isipin na ang killer ng ina mo ay yayakapin, hahalikan, reregaluhan, at papatawarin mo.

Siyanga pala, ina­ayos ulit ni Cherry Pie ang schedule niya at gusto ulit niyang dalawin si Michael.

Ginebra team pinaligaya ang mga die-hard fan

Matapos ang surprise debut party para sa anak ng isang OFW noong nakaraang linggo, ipagpapatuloy ng pioneering public service program na “Wish Ko Lang!” ang pagbibigay-katuparan sa pangarap at hiling ng mga Kapuso viewer. Ngayong Sabado (July 6), dalawang pamilyang die-hard Gineb­ra fans ang tampok sa programa.

Tinaguriang basketball country ang Pilipinas dahil sa hilig ng mga Pinoy sa larong ito! Lalo na nga’t kung usapang PBA na, nayayanig ang buong bansa kapag Barangay Ginebra na ang nasa hard court. Tila nagiging kabarangay nga raw nila halos ang buong Pilipinas!

Gaya na lamang ng dalawang pamilyang “ultimate die-hard” Barangay Ginebra fanatics daw. Ang isang pamilya, nagi­ging official family day raw tuwing may game ang Ginebra—mula sa tatay hanggang apo kasi, nakatutok sa laro!

Ito namang isang mag-anak na broken family, hindi lang naging bonding ang basketball, naging daan pa ito para mapagbuklod ang anak sa kanyang bagong tatay.

Ano kaya ang mangyayari kung ang die-hard fans na ito ay maka-one on one ang buong Ginebra team? Makaka-high five at fist bump pa nila mismo ang kanilang mga idolo at makakapanood live ng kanilang laro!

Tutukan ‘yan sa “Wish Ko Lang!” kasama si Vicky Morales, tuwing Sabado, pagkatapos ng “Tadhana” sa GMA-7.

The post Cherry Pie hinalikan, niregaluhan ang pumatay sa ina niya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *