Cherie naghubad para kay Biden

Naghubad si Cherie Gil sa socmed para lang ipahayag ang kasiyahan niya sa resulta ng eleksiyon sa US, na kung saan ay wagi nga si Joe Biden. Sa Instagram masisilip ang larawan ni Cherie sa hagdan na suot ay itim na one-piece corset at naka-pose.

The post Cherie naghubad para kay Biden first appeared on Abante.

cherie naghubad para kay biden - Cherie naghubad para kay Biden
Cherie Gil - Cherie naghubad para kay Biden

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Cherie naghubad para kay BidenNaghubad si Cherie Gil sa socmed para lang ipahayag ang kasiyahan niya sa resulta ng eleksiyon sa US, na kung saan ay wagi nga si Joe Biden. Sa Instagram masisilip ang larawan ni Cherie sa hagdan na suot ay itim na one-piece corset at naka-pose.

Nagbalabal lang ng fur jacket ang beteranang aktres para bahagyang takpan ang kanyang katawan.

“That look of jubilation when democracy reigns! Thrilled that my very first vote counted to live to see this day happen. Hopeful for the future of my children in NYC, USA! God bless America!” sabi ni Cherie.

Posibleng sa NY magdaos ng Pasko si Cherie kasama ang mga anak.

***

Piolo nagbigay ng 200 bisikleta sa Bicol

Walang patid ang dating ng mga donor sa ‘Donate A Bike’ project ni Gretchen Ho. Matapos magbigay sina Catriona Gray at Sal Milby, si Piolo Pascual naman ang nag-donate.

Saktong 200 piraso ng mga bisikleta ang ibinigay ni Piolo kay Gretchen.

Ibinigay ni Piolo ang mga bike kay Gretchen sa Q.C. Memorial Circle.

Ayon pa kay Gretchen galing pa ng Batangas ang aktor at sumadya lang sa Kyuse para ibigay ang mga bisikleta.

Sa coastal area ng Metro Manila at Naga na apektado ng bagyong Rolly ibibigay ang mga bisikleta.

***

Jed kakanta ng libre sa BTS event

Ipinangalandakan ni Jed Madela ang pagiging super fan niya sa BTS member na si Kim Tae-hyung. Sa kanyang tweet ay nag-alok ng kanyang partisipasyon sa BTS Pinoy fan sa kung anumang birthday event ng mga ito para nasabing K-Pop star.

“Just wanna inquire…any groups here in charge of events for Taehyung’s bday? Lemme know the ganaps!” tweet niya.

Ilang mga fan ang nagbahagi kay Jed ng pagsali nila sa iba’t ibang grupo na bubuo ng event. May nagpaplano ng live streaming, get-together at online show, na ang magiging beneficiary ay mga nasalanta ng kalamidad sa Pinas.

Anyway, nitong pandemya lang nag-out si Jed ng kanyang paghanga sa ilang personalidad ng K-pop. Kahilera na niya sa pagiging avid fan sina Sharon Cuneta, Arci Muñoz, Janice de Belen.

***

Chito binubuhay ni Neri

Ayaw paawat sa pagpapayaman ang asawa ni Chito Miranda na si Neri Naig. Inilabas na ni Neri ang clothing line niya na mabibili sa website niya. Nagpakita ng ilang piraso ng collection si Neri sa Instagram.

Bukod sa gourmet tuyo at iba pang food, clothing business nga ang pagkakaabalahan ng dating aktres.

Kaya nga sabi ni Chito sa nauna nyang post, si Neri ang bumubuhay sa kanya ngayon dahil sa kawalan niya ng raket.

Na bagamat meron silang paupahang mga property, pero ang bulto ng kabuhayan nila ay kay Neri galing.

The post Cherie naghubad para kay Biden first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *