Chavit muntik makatulog sa balikat ni Catriona

Kung viral ang panalo ni Sen. Manny Pacquiao kay Keith Thurman, humahakot naman ng pansin ang video nina Miss Universe 2018 C­atriona Gray at ang politiko/businessman na si Chavit Singson.

The post Chavit muntik makatulog sa balikat ni Catriona appeared first on Abante News Online.

chavit muntik makatulog sa balikat ni catriona - Chavit muntik makatulog sa balikat ni Catriona
abante Chavit Singson - Chavit muntik makatulog sa balikat ni Catriona

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Chavit muntik makatulog sa balikat ni CatrionaKung viral ang panalo ni Sen. Manny Pacquiao kay Keith Thurman, humahakot naman ng pansin ang video nina Miss Universe 2018 C­atriona Gray at ang politiko/businessman na si Chavit Singson.

Nakuhanan ng video sina Catriona at Chavit na magkatabi sa isang bench. Nakatuon ang pansin ni Catriona sa hawak-hawak nitong cellphone habang napapapikit naman si Chavit.

Makikita sa video na tinamaan ng matinding antok si Chavit na unti-unting napapahilig ang ulo niya kay Catriona.

Habang papalapit ang ulo niya sa balikat ng beauty queen, napalingon ang dalaga sa kanya.

Tila nahimasmasan si Chavit at agad na ibinalik ang posisyon ng ulo niya sa pagkakatuwid, saka hinawakan ang coat at ginagalaw ito para magising.

Matapos mapatingin kay Chavit, napangiti lang si Catriona at ibinaling ulit ang mata niya sa hawak niyang cellphone.

Marami ang naaliw sa video kaya nag-viral ito sa lahat ng mga social media. Ginawan pa ito ng iba’t ibang caption ng maraming nakapanood ng video.

Vice Ganda sobrang mahal si Angeline

Minsan pang pinatunayan ng pamilya ni Vice Ganda ang pagmamahal at pakikipagkaibigan nila kay Angeline Quinto. Naka-post sa Instagram ni A­ngeline ang larawan nilang mag-ina na si Mama Bob, na nasa hospital bed.

Na-confine sa ospital ang nasabing ina ni Angeline, sa hindi sinabing dahilan. Sa larawan, makikitang nakahilig si Mama Bob sa ina ni Vice Ganda at sa kapatid ng komedyante.

Dinalaw ng ina ni Vice na si Mommy Rosario at ang ate nitong si Tina ang ina ni Angeline.

“Sa pangalawang Nanay at Ate ko, maraming salamat Nanay Rosario at Ate Tina sa pagbisita po kay Mama Bob salamat po sa inyo. Mahal na mahal ko po kayo,” sabi ni Angeline.

Nagpasalamat din ang mang-aawit kay Vice Ganda.

Janine, Rayver todo lambingan sa b-day party

Gaya nang dapat asahan, naging bahagi ng 30th birthday ni Rayver Cruz ang kasintahang si Janine Gutierrez. Naka-post sa Instagram ng kapatid ng aktor na si Rodjun Cruz ang mga larawan nilang magkakasama nina Rayver, Janine at ang girlfriend ng una na si Dianne Medina.

Kuha ang nasabing larawan sa birthday party ni Rayver. Hindi makukumpleto ang birthday ni Rayver kung wala si Janine, ngayon pang unang birthday celebration niya na wala ang kanilang ina, na yumao dahil sa sakit na cancer.

Asahang masisilip ng netizen ang iba pang mga kaganapan sa party ni Rayver na magkasama sila ni Janine. At yes, sobrang sweet ng dalawa.

The post Chavit muntik makatulog sa balikat ni Catriona appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *