Charo Santos pinarangalan ng FAMAS

Pinarangalan ang premyadong aktres, producer, at chief content officer ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ng Lifetime Achievement Award sa ika-67 na taon ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS) noong Linggo (Abril 28) para sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

The post Charo Santos pinarangalan ng FAMAS appeared first on Abante News Online.

charo santos pinarangalan ng famas - Charo Santos pinarangalan ng FAMAS
ABANTE charo santos - Charo Santos pinarangalan ng FAMAS

By Dondon Sermino

Pinarangalan ang premyadong aktres, producer, at chief content officer ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio ng Lifetime Achievement Award sa ika-67 na taon ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS) noong Linggo (Abril 28) para sa kanyang mga natatanging kontribusyon sa industriya ng pelikulang Pilipino.

Ayon sa FAMAS jury head na si Ricky Lee, na­nguna sina Charo sa pagpapalaganap ng pelikulang Pilipino hindi lang sa mga gawain nila sa harap at sa likod ng kamera kundi sa dedikasyon nila sa pag-unlad ng mga bagong plataporma para sa mga bagong henerasyon ng mga gumagawa ng pelikula.

Maliban kay Charo, kinilala rin ng pinakamatandang orga­nisasyon na nagbibigay ng parangal sa pelikula sa bansa, ang mga direktor na sina Laurice Guillen at Marilou Diaz-Abaya.

Sa kanyang Instagram account, nagpahayag ng pasasa­lamat si Charo sa FAMAS.
“Thank you for appreciating my craft. I hope to be able to contribute more to the industry the best way I can. Mabuhay ang pelikulang Pilipino!” aniya.

Nagsimula si Charo bilang production assistant bago siya unang nakilala bilang aktres sa “Itim” ni Lino Brocka. Kamakailan lang, na-nominate siya bilang best actress sa “Ang Babaeng Humayo” sa prestihiyosong Asian Film Festival Awards sa 2017.

Kabilang din siya sa mga tao sa likod ng mga klasikong pelikula tulad ng “Himala,” “Oro Palata Mata” at “Kisapmata” bilang producer.

The post Charo Santos pinarangalan ng FAMAS appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *