Charo Santos napatili sa kilig kay Piolo

Ang sarap panoorin ng chikahan nina Miss Charo Santos Concio, Mr. Robert Labayen, at ng guest nilang si Piolo Pascual sa Dear Charo (mapapanood sa FYE channel ng Kumu).

The post Charo Santos napatili sa kilig kay Piolo first appeared on Abante.

charo santos napatili sa kilig kay piolo - Charo Santos napatili sa kilig kay Piolo
abante charo santos - Charo Santos napatili sa kilig kay Piolo

dondon sermino 15 - Charo Santos napatili sa kilig kay PioloAng sarap panoorin ng chikahan nina Miss Charo Santos Concio, Mr. Robert Labayen, at ng guest nilang si Piolo Pascual sa Dear Charo (mapapanood sa FYE channel ng Kumu).

Kaaliw si Miss Charo dahil lumabas talaga ang matinding paghanga niya kay Piolo.

Sa introduction pa lang niya kay Piolo, ramdam na ang matinding pagmamahal niya rito.

Sabi nga niya, well loved person si Piolo sa industry.

“My idol! My original crush, Piolo Pascual!” ang pagpapakilala pa ni Miss Charo kay Piolo.

At siyempre, nang lumabas na screen si Piolo, nagsalita, lalong napatili si Miss Charo.

“Nagha-hyper ventilate ako! Hahahahaha!” pag-amin niya na tumitili.

Sabi ni Miss Charo, nahihiya silang kunin na guest si Piolo, dahil alam nilang maaga itong matulog. Medyo late kasi ang Dear Charo show.

Pero siyempre, hindi naman tatanggi si Piolo na maging guest nina Charo at Robert. Katunayan, sobrang na-miss na raw niya sila.

Kinuwento nga ni Piolo na sa loob ng mahabang buwan ng pandemya, ang pagtatanim sa Batangas ang pinagkakaabalahan niya.

Pero, ang bongga pa rin niya na nagawa niyang mag-pitch ng tatlong pelikula (producer nga si Piolo, kasama si Bb. Joyce Bernal). At yes, nakapag-relase pa siya ng single.

Kaya lalong bumilib si Miss Charo kay Piolo. Na kung ang iba ay nagpapahinga, si Piolo ay sobrang productive, ha!

“How much time do we have?” ang sey lang ni Piolo, na totoo naman, dahil masyadong maiksi ang buhay, kaya gawin mo na ang lahat nang gusto mong gawin.

Naikuwento rin ni Piolo na si Miss Charo ang isa sa mga dahilan kung bakit matagumpay siya ngayon.

“Tita Charo isa sa mga instrument kung bakit ako nasa showbiz ngayon. She’s my main inspiration sa mga ginagawa ko,” sey ni Piolo.

“I just open the doors,” pa-humble na sagot naman ni Miss Charo.

Si Miss Charo rin daw nagsabi na dapat gumawa ng album si PJ na iba-iba ang ka-duet, na siya ngang nangyayari ngayon.

“Yes, si Tita Charo ang nagsasabi sa akin na gawin mo ito, okey ka dito, iwasan mo `yan.

“Si Tita Charo po ang nakikipaglaban sa akin. Kapag may ibang artista na gusto nila, sinasabi niya, ibigay niyo kay Piolo yan!” sabi pa ni Piolo.

Nasabi rin ni Piolo na muntik na siyang mag-retire noon.

“But Tita Charo, she never let me retire.”

Katunayan, may niluluto raw silang proyekto para sa Maalaala Mo Kaya, na dapat ay noong Pebrero gagawin, pero dahil nagsara ang ABS-CBN, at nagka-coronavirus pa, kaya hindi natuloy.

“Napakaganda ng story noon, nag-aaral ako mag-English para doon,” saad pa ni Piolo.

“I can’t wait to do that. I’m committed to do that.”

Papa P natulala, mga halaman winasak ng bagyo

Anyway, biktima rin ng bagyong Rolly si Piolo. Katunayan, halos lahat daw ng tanim na pinaghirapan niya sa Batangas ay pinadapa ni Rolly.

“Noong bumagyo gusto kong yakapin lahat ng halaman ko. Binili ko sa kung saan-saan `yon, tinanim ko, pinaghirapan ko, tapos binagyo. “Nawala lahat. Wiped out lahat. Ganun talaga. You are at the mercy of nature.”

Hindi raw siya makapaniwala na nawala ang lahat ng mga halaman niya. Ilang oras daw na natulala siya, nakatitig lang sa mga halaman na winasak ng bagyo.

“Lahat ng pagod mo, biyahe mo, hirap ng kamay mo, nawala. Sabi ko nga, ‘Lord bakit? Bakit ganun? Winasiwas talaga lahat ng mga halaman namin.

“Kalbong-kalbo na siya. Ganun ba talaga ang buhay? Napakahirap.

“Pero ganun talaga ang buhay. So, magtanim na lang ulit. Hindi ako puwedeng huminto!” sabi na lang ni Piolo na aminadong sa Batangas na talaga niya gustong tumira.

“Probinsyano na ako,” saad na lang niya.

The post Charo Santos napatili sa kilig kay Piolo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *