Charo nahawa sa kagagahan ni Alex

Top trending at umabot na nang mahigit two million views ang office raid na ginawa ni Alex Gonzaga sa opisina ni Charo Santos dalawang araw matapos nitong in-upload sa YouTube.

charo nahawa sa kagagahan ni alex - Charo nahawa sa kagagahan ni Alex
alex x charo - Charo nahawa sa kagagahan ni Alex

Top trending at umabot na nang mahigit two million views ang office raid na ginawa ni Alex Gonzaga sa opisina ni Charo Santos dalawang araw matapos nitong in-upload sa YouTube.

Aliw na aliw nga ang lahat sa usapan nina Alex at Charo dahil napalabas ng sikat na YouTuber ang kakwelahan ng bossing ng Dos lalo pa at napasayaw niya ito ng kanyang hit na “Chambe, Chambe”.

In fairness naman din kay Charo, game na game siya sa mga kalokohan ni Alex. Kahit nga makipaglokohan siya kay Alex, ang hinahahon pa rin at very poised!

Naging blessing in disguise nga ang naging desisyon ni Alex na mag-vlog lalo pa at inamin niya sa “Rated K” noong Linggo kung paano binago ng kanyang pagba-vlog ang kanyang showbiz career.

“Inisip ko na it’s gonna be the end of my career in TV. I’m going to focus on YouTube. I was searching the people from YouTube that time and nakita ko na they were happy. They were earning monthly. YouTube is giving them money,” kuwento niya noong panahong pa-expire na ang kontrata niya sa Dos.

Ngayon nga ay may 4.5 million subscribers at mahigit 300 million views na ang kanyang YouTube account.

Tuloy-tuloy na rin ang opportunities na pumasok sa kanyang buhay dahil mainstay din siya sa “Home Sweetie Home: Extra Sweet”.

Dahil sa narating ni Alex, kabi-kabilang artista na ang sumusunod sa kanyang yapak at gumagawa ng sari-sarili nilang account. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *