Charo ganadong umeksena sa A2Z

Hindi naitago ni Charo Santos-Concio ang kanyang pagkasabik sa pagbabalik-free TV ng programa niyang “Maalaala Mo Kaya” sa A2Z channel 11 analog TV.

The post Charo ganadong umeksena sa A2Z first appeared on Abante.

charo ganadong umeksena sa a2z - Charo ganadong umeksena sa A2Z
Ciaro Santos - Charo ganadong umeksena sa A2Z

Hindi naitago ni Charo Santos-Concio ang kanyang pagkasabik sa pagbabalik-free TV ng programa niyang “Maalaala Mo Kaya” sa A2Z channel 11 analog TV.

Kasama nga ang nasabing programa sa mga Kapamilya show na ipapalabas sa A2Z channel 11 kaya labis din ang suporta na ipinaramdam ng mga manood ng “MMK,” na nasa ika-28 season na, nang marinig ang magandang balita.

“Natutuwa nga ako sa mga message sa akin since the announcement that some of the ABS-CBN programs will be back on the air. Nakakatuwa,” kwento ni Charo sa digital talk show na “We Rise Together.”

“Na-miss ko ‘yung loyal mga Kapamilya natin na sumusubaybay, nanonood ng MMK,” sabi pa ng dating ABS-CBN president at CEO.

Marami na nga kaming post na nakita online na nage-expect na ang “MMK” episode ng paborito nilang artista o love team ang unang ipapalabas sa A2Z.

Puno ng aral, pag-asa, at inspirasyon ang longest-running drama anthology in Asia kaya naman bagay na bagay ito sa bagong A2Z channel. (Dondon Sermino)

The post Charo ganadong umeksena sa A2Z first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *