Charlie Dizon pinagalitan ng guwardiya

Pinagalitan sina Direk Antoinette Jadaone, Charlie Dizon at ang mga kasamahan nila nang mambulahaw ang mga ito sa kanilang lugar. Inireklamo sina Direk Jadaone, Charlie ng ibang mga nakatira sa paligid nila dulot nang malakas nilang hiyawan.

The post Charlie Dizon pinagalitan ng guwardiya first appeared on Abante.

charlie dizon pinagalitan ng guwardiya - Charlie Dizon pinagalitan ng guwardiya
abante charlie dizon 1 - Charlie Dizon pinagalitan ng guwardiya

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Charlie Dizon pinagalitan ng guwardiyaPinagalitan sina Direk Antoinette Jadaone, Charlie Dizon at ang mga kasamahan nila nang mambulahaw ang mga ito sa kanilang lugar. Inireklamo sina Direk Jadaone, Charlie ng ibang mga nakatira sa paligid nila dulot nang malakas nilang hiyawan.

Ni-retweet ni Direk Antonette ang video kung saan nagwawala at nagsisigaw sila sa pagkapanalo nina Paulo Avelino at Charlie bilang best actor, best actress sa MMFF 20 Gabi ng Parangal para sa “Fan Girl”.

Si Direk Jadaone ang direktor ng nasabing pelikula, at nanalo rin siya bilang best director.

Mapapanood sa video na na-tweet ni Jadaone ang pag-uga ng kamera sa sobrang pagbubunyi nila ni Charlie at maririnig ang malakas nilang sigawan sa pagkakapanalo ni Paulo.

Nag-tweet din si Jadaone at sinabing pinagalitan sila ng guwardiya dahil sa nilikha nilang ingay.

Piolo nagtampisaw sa Boracay

Kahit matindi pa rin ang banta ng COVID-19, at kailangang sumalang sa mga safety health procedure gaya ng swab test, hindi pa rin nagpaawat ang mga Pinoy celebrity na magbakasyon.

Dumayo sa Boracay sina Piolo Pascual, Karla Estrada, Joross Gamboa, Gary Estrada. Nauna na nga sina Kim Chiu, Xian Lim.

Sa Palawan naman nagtampisaw sa dagat ang mag-asawang Solenn Heussaff, Nico Bolzico, pati na sina Karen Davila, Erik Santos at iba pa.

Hindi na nakayanan ng mga star na mabuhay sa matinding pagkabalisa dulot ng pandemya, kaya naman ginusto ng mga itong pakalmahin ang kanilang mga utak.

Robin nagpaulan ng datung sa mga kasambahay

Ang suwerte ng mga staff ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla dahil pasabog ang naganap na Christmas party ng mga ito.

Nagpamudmod ng pera at mga mamahaling kitchen appliances ang mag-asawa.

Ayon sa kuwento ng make-up artist ni Mariel na si Edwin, nanalo siya sa raffle ng P20K at microwave oven. Sabi pa niya, umabot sa mahigit P100K ang pera na ipina-raffle.

Kaya umaapaw sa tuwa ang mga kasama sa bahay nina Robin at Mariel.

Hindi naman ito katakataka dahil nagbigay nga ng isang motorsiklo si Mariel bilang premyo para sa mga subscriber, follower ng kanyang cooking show.

EliKoy sasabak sa MMFF 2021

Interesado si Direk Jun Lana na sumali sa Metro Manila Film Festival 2021. Ni-retweet ni Direk Jun ang tweet na poster ng movie project na “When I Met You.”

Pagbibidahan ito ng mga bia ng “Game Boys” na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas. May showing date na ito na Dec. 25, 2021.

Ang bongga lang na papasok pa lang ang 2021 at hindi pa nga natatapos ang MMFF-20, may nakahanda na agad project ang ang IdeaFirst Company nina Direk Jun at Perci Intalan.

The post Charlie Dizon pinagalitan ng guwardiya first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *