Charlie Dizon halimaw

Matapos kabugin sa best actress ang mga bigating artista na tulad nina Nora Aunor, Sylvia Sanchez sa nakaraang MMFF-20 Gabi ng Parangal, biglang-sikat si Charlie Dizon.

The post Charlie Dizon halimaw first appeared on Abante.

charlie dizon halimaw - Charlie Dizon halimaw
abante charlie dizon 2 - Charlie Dizon halimaw

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Charlie Dizon halimawMatapos kabugin sa best actress ang mga bigating artista na tulad nina Nora Aunor, Sylvia Sanchez sa nakaraang MMFF-20 Gabi ng Parangal, biglang-sikat si Charlie Dizon.

Imagine pati si Angelica Panganiban ay nagtitili sa tweet para ipangalandakan ang pagiging fan niya sa lead actress ng “Fan Girl”.

“Husay ni Charlie Dizon!! Pangarap kong maging siya pag laki ko. Fan na fan niya ko ngayon,” sabi ni Angelica.

Pinaalala naman ni Direk Dan Villegas kay Angelica na ‘tinakot’ nito si Charlie noong makilala niya ito sa kanyang birthday.

“Sinindak mo siya nung birthday ko! Sabi mo, ‘Ah, ikaw ‘yung Fan Girl?’ Hahaha!” chika ni Direk Dan.

Pati si Sue Ramirez ay hangang-hanga at nagmistulang fan din ni Charlie. Kasamang nanood ni Sue si Charlie ng pelikula nito.

Tinawag na ‘halimaw’ ni Sue si Charlie dahil sa husay nitong umarte.

Nota ni Paulo pinirata, pinagsawaan sa gay site

‘Yun nga lang, dismayado ang mga bumuo ng Fan Girl dahil napirata na ang kanilang pelikula. Isang fan ang umaming in-upload niya sa social media ang pelikulang nabili niya sa black market. Pero, binaklas din daw niya agad matapos siyang makosensiya.

Actually, bago pa umamin ang fan marami na ang nagpirata ng pelikula matapos maging kontrobersyal ang paglabas ng ‘uten’ ni Paulo Avelino sa eksenang umiihi sya.

Nagpasalin-salin at pinagsawaan talaga sa mga gay site at social media ang clip na `yon ng nota ni Paulo.

Enchong ‘di nagpatalo sa aso

Bumilib ang mga netizen, mga kaibigang artista ni Enchong Dee sa in-upload niyang video na tumatakbo siya na kasama ang alagang aso.

Hindi nagpahuli ang dog na kahit mabilis ang takbo ni Enchong at maliit lang ito, nasabayan niya ang aktor. Pero siyempre, hindi nagpatalo si Enchong sa aso, no!

Naaliw ang mga follower ni Enchong dahil sa ginawa niyang pagsasanay sa dog.

At doon nga tinanong ni Janine Gutierrez si Enchong kung puwede rin nitong sanayin ang kanyang pet dog.

“Magkano ba ang pinag-uusapan natin dito?” sagot ni Enchong kay Janine.

The post Charlie Dizon halimaw first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *