Charlie Dizon game sa hubaran vs Ivana Alawi

Biglang-bigla, dahil sa best actress trophy sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Fan Girl, instant sikat, at marami na ang nag-aabang kay Charlie Dizon.

The post Charlie Dizon game sa hubaran vs Ivana Alawi first appeared on Abante.

charlie dizon game sa hubaran vs ivana alawi - Charlie Dizon game sa hubaran vs Ivana Alawi
dizon 1 - Charlie Dizon game sa hubaran vs Ivana Alawi

Biglang-bigla, dahil sa best actress trophy sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang Fan Girl, instant sikat, at marami na ang nag-aabang kay Charlie Dizon.

Kung noon, ‘sinosiya?’ ang madalas marinig kapag ini-introduce siya, at nagdadalawang isip pa ang iba kung iinterbyuhin, o kakausapin siya, ngayon ay bet na bet na siyang chikahin ng marami.

Eh kasi nga, sina Nora Aunor, Sylvia Sanchez, Iza Calzado lang naman ang kinabog niya sa pagka-best actress. At marami ang gustong tingnan pa ang mga susunod niyang proyekto, kung magaling ba talaga siyang artista.

Anyway, kabubukas pa lang ng 2021 ay may kasunod na proyekto na agad si Charlie, ang “Horrorscope” na bagong original horror anthology series ng iWantTFC na mapapanood na sa buong mundo simula Jan. 13.

Bida si Charlie sa “Virgo” episode, bilang si Ronalyn, isang baguhan at maprinsipyong pulis. Mapipilitan siyang mapasama sa grupo ng mga baluktot na “ninja cops” na kinabibilangan ng mga boss niya, kapalit ng pagtaas ng kanyang ranggo.

Para makapasok sa grupo, kailangan niyang patayin ang isang bihag na drug runner, na makikilala niya bilang ang dating kasintahan niyang si Dado (Fino Herrera). Ngayon, kailangang mamili ni Ronalyn kung gagawin niya ang tama alang-alang sa sinumpaang tungkulin o isalba ang sarili niyang buhay?

Anyway, natanong din si Charlie kung papayag ba siyang maging sexy star, dahil sa Fan Girl nga, naghubad din siya, pero nakatalikod nga lang.

Payag ba siyang itapat kay Ivana Alawi na pantasya ng mga barako ngayon?

“Kung ano po ang gusto ng management, sila naman po ang mas nakakaalam, wala namang problema sa akin,” sabi ni Charlie.

So, abang-abang na mga guys, dahil iba rin naman ang sex appeal nitong si Charlie, di ba? (Dondon Sermino)

The post Charlie Dizon game sa hubaran vs Ivana Alawi first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *