Charlene Gonzales isinugod sa ospital

Halatang may lungkot sa mga mata ni Aga Muhlach (kahit ayaw na niyang masyadong idetalye) nu’ng gabi ng premiere night na hindi nakasama ang kanyang misis, si Charlene Gonzales.

charlene gonzales isinugod sa ospital - Charlene Gonzales isinugod sa ospital
st lukes - Charlene Gonzales isinugod sa ospital

Ni: Rose Garcia

Halatang may lungkot sa mga mata ni Aga Muhlach (kahit ayaw na niyang masyadong idetalye) nu’ng gabi ng premiere night na hindi nakasama ang kanyang misis, si Charlene Gonzales.

Halos lahat daw kasi ng premiere night niya ay kasama ito at nakakapanood. Pero absent ito ngayon dahil dinala sa hospital at ooperahan sa kanyang appendicitis.

“She feels bad also kasi lahat ng movies ko, napupuntahan niya. And it’s my kids birthday tomorrow (November 5) and they’re 18. Then, November 6, it’s the showing of the movie. Ang daming nangyayari,” sabi ni Aga.

Alice pantasya ng mga tropa ni Aga

Ngayong araw na ito na ang showing ng pelikulang “Nuuk” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Alice Dixson under VIVA Films at sa direksyon ni Veronica Velasco. Pero nagkaroon ito ng premiere night sa SM Megamall kaya napanood na namin.

Drama, thriller ang movie na 90% ay kinunan sa Nuuk, Greenland. Kaya bonus sa movie ang lugar na all year round yata ay balot ng snow.

Rare na sa pagkakataong ito na mapanood ang mga mahuhusay na aktor at aktres tulad nina Aga at Alice kaya masasabing treat na rin ang movie for the moviegoers.

Si Aga nga, hindi nito makalimutan na ang mga kaibigan daw niyang lalaki ay gustong sumama sa kanya sa premiere night dahil halos lahat, crush ang leading lady niya na si Alice.

“A lot of my friends wants to come to the premiere tonight dahil lahat sila, may crush kay Alice. Grabe, ‘no?”

Hinihiritan naman ni Aga si Alice na aware naman daw ito na marami talagang nagkakagusto. Nang tanungin si Alice kung paano niya naha-handle ang mga lalaking humahanga pa rin sa kanya:

“How do I handle it? Siyempre, I’m very flattered. I’m humbled by that. I’m very humbled with that. And I’m very privilege also to work again with actors like Aga.”

Comeback movie na rin daw para kay Alice ang “Nuuk”.

Alan Peter Cayetano pinaglaruan ni Bitoy

Ika-24 taon na ng longest running gag show na “Bubble Gang”. At para sa isa sa mga orihinal na cast at maituturing na isa sa totoong dahilan ng tagumpay ng “Bubble Gang” na si Michael V, ang taon na lang na meron sila ay isa na sa malaking achievement ng show.

“‘Yung number of years namin itself is proud achievement na para sa amin,” sabi nga ni Bitoy.

“‘Yung pagtangkilik ng audience na hanggang ngayon, nagri-rate pa rin, tinatangkilik pa rin. Nilalagyan pa rin ng advertisers. Tuloy-tuloy ang ang support ng management sa show na ‘to, that’s for me is quite an achievement.

“So, I couldn’t ask for anything more.”

Aminado naman si Bitoy na malaki raw ang naitutulong ng social media ngayon sa kanila sa pag-iisip ng mga bagong konsepto, lalo na raw ‘yung mga nagba-vlog.

“Kasi, ‘yun ang paraan para malaman namin kung nagustuhan ng mga tao at kung ano rin ang ayaw nila. Malaking bagay lang ang social awareness.”

Bukod kay Bitoy, sina Antonio Aquitania, Mykah at Diego na lang ang natitira mula sa orihinal na cast ng “Bubble Gang”.

Pero kahit nawala na halos ang karamihan at napalitan ng mga bago, napatunayan nga ni Michael V na kayang tumayo ng “Bubble Gang” bilang hindi lang longest running gag show kundi one of the most-awarded gag show din sa loob ng 24 na taon.

Ilan sa mga karakter na ginawa ni Bitoy sa “Bubble Gang” na para sa kanya ay talagang nag-hit at memorable ay si Mr. Asimo, Yaya at iba pa raw.

Nabanggit ni Paolo Contis na mas masaya raw ngayon ang cast ng “Bubble Gang”. Kaya kinumpirma namin ito kay Bitoy kung mas masaya nga ngayon than sa original cast.

“I won’t say that,” natawang sabi niya.

“Every Monday naman is masaya. Every day is a new day so every Monday is a new ‘Bubble Gang’ day. So, we make it a point na maging masaya at kalimutan muna ang mga problema kahit sa isang araw lang na pagsama-sama.

“At iba-iba ang quality na idinudulot ng bawat batch ng ‘Bubble Gang.’”

Ngayong November 15 and 22 ang two-part anniversary special ng “Bubble Gang” entitled “The ScAvengers” kunsaan, mag-react kaya si Senator Alan Peter Cayetano dahil sa character ni Bitoy as Allan Peter Kuya Thanos? Join din siyempre bukod sa mga nabanggit ng cast sina Kim Domingo, Boy 2 Quizon, Sef Cadayona, Betong Sumaya, Analyn Barro, Archie Alemania, Mikoy Morales, Chariz Solomon, Valeen Montenegro, Lovely Abella, Arra San Agustin, Jak Roberto at Denise Barbacena. Special guest naman si Mayor Isko Moreno as Yorme at ang “Spider-Man” star na si Jacob Batalon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *