Celine Dion ‘di nagpakabog sa mga modelo, socialite sa Paris

Hindi nagpakabog ang singer na si Celine Dion sa mga model, socialite and fashion blogger sa pagrampa nito sa streets of Paris para sa naganap na Haute Couture Fashion Week.

The post Celine Dion ‘di nagpakabog sa mga modelo, socialite sa Paris appeared first on Abante News Online.

celine dion di nagpakabog sa mga modelo socialite sa paris - Celine Dion ‘di nagpakabog sa mga modelo, socialite sa Paris
ABANTE celine - Celine Dion ‘di nagpakabog sa mga modelo, socialite sa Paris

Hindi nagpakabog ang singer na si Celine Dion sa mga model, socialite and fashion blogger sa pagrampa nito sa streets of Paris para sa naganap na Haute Couture Fashion Week.

Sa tulong ng kanyang style team headed by Pepe Munoz and Sydney Lopez, dinamitan si Celine ng mga fresh off the runway couture outfits na pinangrampa ng French-Canadian singer sa mga dinaluhan niyang events sa Paris.

Kabilang sa mga outfits ni Celine ay ang Chanel athleisure black capri catsuit with matching logo-hardware belt.

Sinuot din ng singer ang Miu Miui strapless ruched fuchsia gown with big black bow na mula sa Cruise 2020 collection ng designer.

Ginawang reference naman ang “Sex And The City” sa outfit ni Celine na black-and-white tuxedo jacket top and frilly yellow miniskirt by Ronald van der Kemp.

Pinarada naman ni Celine sa lansangan ng Paris ang black halter-necked dress with pleated skirt and elbow length gloves by Daniel Rosenberry. Gayundin ang ivory off-the-shoulder minidress with oversized balloon sleeves by Alexandre Vauthier.

Pero ang ikinanganga ng lahat ay nang isuot ni Celine ang 171-carat Heart of the Ocean necklace na mula sa pelikulang “Titanic” noong 1997.

Kahit na isang replica lang ito mula sa original necklace na ginamit sa pelikula, namangha pa rin ang marami nang maging part ito ng outfit ni Celine na tailored satin blazer with a foggy handprint emblazoned on the shoulder. (Ruel Mendoza)

The post Celine Dion ‘di nagpakabog sa mga modelo, socialite sa Paris appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *