Catriona super emote, hindi pa handang ipasa ang korona

Balik Pilipinas kahapon si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Pero bago nga siya lumipad pabalik ng Pilipinas ay nag-tweet muna siya ng video na kung saan ay nagi-empake siya, at sabik na sabik na makasamang muli ang kanyang mga kapwa Filipino.

The post Catriona super emote, hindi pa handang ipasa ang korona appeared first on Abante News Online.

catriona super emote hindi pa handang ipasa ang korona - Catriona super emote, hindi pa handang ipasa ang korona
Catriona Gray 1 - Catriona super emote, hindi pa handang ipasa ang korona

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Catriona super emote, hindi pa handang ipasa ang koronaBalik Pilipinas kahapon si Miss Universe 2018 Catriona Gray. Pero bago nga siya lumipad pabalik ng Pilipinas ay nag-tweet muna siya ng video na kung saan ay nagi-empake siya, at sabik na sabik na makasamang muli ang kanyang mga kapwa Filipino.

Sabi ni Catriona, sangkatutak na mga charity work ang gagawin niya rito sa Pilipinas, kasabay rin ang mga trabaho na isu-shoot niya, at siyempre, ang paglipat niya ng korona sa bagong tatanghaling Miss Universe Philippines 2019.

Kitang-kita nga kung paano pagkaguluhan si Catriona sa airport pa lang. Hindi nga pinagsasawaan ang ating ika-apat na Miss Universe ng mga Pinoy, dahil kaliwa’t kanan pa rin ang gustong makalapit sa kanya, at makapagpa-picture.

Si Catriona nga kasi, hindi mahirap lapitan. Na kapag l­ibre talaga at gusto mong magpa-photo op sa kanya, siya pa ang mag-iimbita sa iyo.

“Hey everyone. I’m so excited, coz I’m here in my room, I’m finishing up my packing, because I’m going to the Philippines. I’m so excited, I’m going to attend diffe-rent charity events, and shooting some exciting stuff.

“And of course attending Bb. Pilipinas. Which means that I will be emotional because I will pass on the Miss Philippines title to the next Filipina who will represent us internatio-nally, which is super exci-ting.

“Can’t wait to see all of you,” sabi ni Catriona.

Dobol B mas pinalaki, pinabongga

Simula n­gayon (June 3), asahan na ang mas pinalaki, pinabonggang ‘Dobol B’ sa News TV, dahil mapapakinggan na ito araw-araw mula  6 a.m. to 12 noon.

Mapapakinggan nga sa umaga sina Melo del Prado sa mga sariwang balita sa Melo Del Prado sa Super Radyo at 6 a.m. Sina Mike Enriquez at Joel Reyes Zobel naman ang magbabalita sa Super Balita sa Umaga Nationwide ng 7 a.m.

Kasama rin si Mike sa Saksi sa Dobol B at 8 a.m. at si Joel naman ay babalik ng 9 to 9:30 a.m. para sa Anong Say N’yo?

Tuwing 9:30 a.m. naman ay sasalang si Arnold Clavio t­ogether with Ali Sotto para maghatid ng mga blind item sa Sino? At tuwing 10 a.m. naman ay sa Dobol A Sa Dobol B.

At sa 11 a.m. naman ay mapapakinggan ang Kay Susan Tayo! Sa Radyo ni Susan Enriquez.

At tuwing Sabado ay mapapakinggan muli si Melo del Prado sa Super Radyo Nationwide at 6 a.m. susundan ng Super Balita sa Umaga with Sam Nielsen and Rowena Salvacion at 7 a.m.

Mapapakinggan naman sa I M Ready sa Dobol B si Kapuso resident meteorologist Nathaniel ‘Mang Tani’ Cruz ng 9 a.m.

Kaabang-abang din ang health program ni Connie Sison –Pinoy M.D. sa Dobol B—which airs at 10 a.m. Susundan ng DZBB Super S­erbis-yo: Buhay, Trabaho at Negosyo at 11 a.m. with Norilyn Temblor, Tootie, and Lala Roque.

At tuwing Linggo, Orly Trinidad opens the morning line-up with Buena Manong Balita at 6 a.m., susundan ng Super Balita sa Umaga nina Sam Nielsen at Nimfa Ra-velo, at 7 a.m.

Mula 11 a.m. until 12 noon ay mapapakinggan muli si Orly sa MMDA sa GMA.

Siyanga pala, ang GMA News TV ay mapapanood na sa free TV via Channel 27 simula sa June 4; while vie-wers abroad can also catch Dobol B Sa News TV on GMA News TV International.

The post Catriona super emote, hindi pa handang ipasa ang korona appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *