Catriona ‘sinamba’ sa Colombia

Lalaban ba ulit sa beauty pageant si Catriona Gray? May korona pa ba siyang hindi nasusungkit?

The post Catriona ‘sinamba’ sa Colombia first appeared on Abante.

catriona sinamba sa colombia - Catriona ‘sinamba’ sa Colombia
Catriona Gray 2 - Catriona ‘sinamba’ sa Colombia

dondon sermino 15 - Catriona ‘sinamba’ sa ColombiaLalaban ba ulit sa beauty pageant si Catriona Gray? May korona pa ba siyang hindi nasusungkit?

Aba, sa itsura niya ngayon sa latest Instagram post niya, na pagbibigay tribute sa ‘Emerald of Colombia’ talagang laban na laban ang kagandahan, kaseksihan niya, ha!

Para ngang dyosa ng mga halaman, kagubatan, dahil sa sobrang ganda, kaseksihan si Catriona sa larawan na pinost niya. Bagay na bagay sa kanya ang kulay berde na imahe ng batong Esmeralda.

Grabe! Perfect! Ang ganda! The best! Pak na pak! Wow na wow!

Ilan lang `yan sa reaksiyon ng mga netizen sa IG photo na `yon ni Catriona.

Pero, nakakaaliw mabasa ang mga mensahe rin ng mga netizen na nagpakilalang mga taga-Colombia, na puring-puri, at tila sinamba nila ang kagandahan ng Filipina beauty queen.

Bilib na bilib nga sila sa kagandahan, kaseksihan, karisma ni Cat.

“Colombia loves `you,” ang mababasa mo ngang mensahe sa IG ni Cat.

“We’re so glad having you in our country,” sabi ni Angel Gonzales.

“You makes our country, Colombia a better place with your presence. I hope being able to meet you in the future. Thank you again for coming to my country. You always going to be welcomed here. This is your home too,” saad naman ni Daniel Quintero.

Anyway, si Catriona nga ay isa sa mga hurado sa Miss Universe Colombia 2020.

Siyanga pala, ang larawan ni Catriona sa IG ay sama-samang binuo ng mga sumusunod: Photographed by @bjpascual, Styling by @eldzsmejia, Makeup by @jellyeugenio, Hair by @paulnebreshair, Set design by @arendale @adsetprod, Dress by @nericbeltran, Shot at @shutterspacestudios.

***

Pia, Ariella, Laura tutulong sa mga biktima ni Ulysses

Si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach nga ang nanguna sa fundraising para makatulong sa mga biktima ng bagyo. At siyempre, katuwang niya ang iba pang kaibigan niyang mga beauty queen din.

“Hi everyone! We will be holding a Queentuhan fundraising episode at 9pm tonight (Sunday) for those affected by typhoon Rolly & Ulysses. Join us on the @trypodnetwork FB page or on my YouTube channel. Ill also post a swipe up link in my stories tonight,” sabi ni Pia.

“We will be joined by @araarida @iamlauralehmann @christi.mcgarry & Steve Muncy, executive director of CFSI. CFSI is one of our partner beneficiaries, along with Save The Children & Philippine Red Cross.

“Donation lines will be open now until Friday, November 20. For transparency, all updates will be posted on @queentuhanpod & the Queendom group on Facebook. 100% of the amount we collect will be donated.

“We hope you can join us & help spread the word. #QueenTulungan tayo!! 2764 - Catriona ‘sinamba’ sa Colombia #RescuePH #UlyssesPH.”

Yes, sinisiguro ni Pia na ang 100 porsiyento ng mga makukuhang donasyon ay mapupunta sa mga biktima, at ipakikita raw nila ang bawat resibo.

The post Catriona ‘sinamba’ sa Colombia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *