Catriona, Sam pakakasal sa Zamboanga

Dahil siya si Catriona Gray at bisita sa tribu ng Yakan, kahit hindi pa ikakasal si Miss Universe 2018, pinagbigyan itong mapinturahan sa mukha, na para lang sa dalawang magsing-irog na ikakasal na.

The post Catriona, Sam pakakasal sa Zamboanga first appeared on Abante.

catriona sam pakakasal sa zamboanga - Catriona, Sam pakakasal sa Zamboanga
Catriona Gray 1 - Catriona, Sam pakakasal sa Zamboanga

Dahil siya si Catriona Gray at bisita sa tribu ng Yakan, kahit hindi pa ikakasal si Miss Universe 2018, pinagbigyan itong mapinturahan sa mukha, na para lang sa dalawang magsing-irog na ikakasal na.

Bahagi ng pagbisita ni Catriona sa Zamboanga ang pagpunta sa Yakan tribe. Para ipakilala ang tradisyon ng Yakan kay Catriona, isa rito ay ang pagpaparanas ng sarili nilang make-up na ginagawa lang sa mga ikakasal.

Nakaposte sa Instagram ni Catriona ang mukha niya na may mga puting tuldok at ibang design na gawa ng Yakan.

“Alam ninyo ba na ang Yakan Tribe ay may sariling makeup? Tinawag itong “Tanyak Tanyak” and it’s reserved only for Yakan Couples na ikakasal. Kaya I’m so honored to be able to experience the art of Tanyak Tanyak firsthand with the blessing of the Yakan tribe leader, done by the Yakan tribe themselves. Yong mga patterns, created with rice flour, water and bamboo tools represent the moon and stars. It represents the moon and stars being witness to your love. Sobrang ganda ng kultura natin, noh? #RaiseYourFlagZamboanga,” sabi ni Catriona.

Sana raw ay isinama ni Cat sa trip na ito si Sam Milby, para silang dalawa ang nalagyan ng “Tanyak Tanyak”. Wish nga ng marami na mauwi na sa kasal ang kanilang relasyon.

At mukhang pahiwatig na rin ito na bongga kung sa Zamboanga sila pakasal in the future, ha! (Rey Pumaloy)

The post Catriona, Sam pakakasal sa Zamboanga first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *